A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Pag-unawa sa Obsessive-Compulsive Personality Disorder (OCPD)

Ang obsessive-compulsive personality disorder o OCPD ay isang karamdaman sa personalidad. Ang mga taong may OCPD ay may matinding pangangailangan na maging nasa ayos, perpekto, at nasa kontrol. Nagtutuon sila ng higit sa di-karaniwang pansin sa mga detalye, mga listahan, organisasyon, at mga iskedyul. Puwedeng mauwi ito sa pagiging rutina at nasa tuntuning paraan sa paggawa ng mga bagay-bagay, para sa kanilang sarili at para sa mga taong kasama nila. Mga perpeksyonista sila at posibleng makadama ng pag-aalala o galit kapag may parang mali sa mga bagay-bagay. Puwede itong magdulot sa kanila ng labis na kabalisahan. Dahil dito, nag-aalala silang hayaan ang ibang tao na gawin ang mga bagay-bagay na baka magawa nila ito nang mali. Ipinapalagay ng mga taong may OCPD na ang mga pagkilos at paniniwala ay alinman sa lubusang tama o lubusang mali. Madalas nilang nadarama na lagi silang tama. Ang OCPD ay hindi kapareho ng obsessive compulsive disorder (OCD), pero puwedeng mangyari ito nang sabay.

Nakikipag-usap ang isang babae sa isang therapist.

Mga Sanhi

Walang tiyak na nakakaalam sa mga sanhi ng ganitong karamdaman. Mas malamang, namamana ito at may malaking ginagampanang papel ang kapaligiran at mga karanasan. Mas karaniwan ang OCPD sa mga taong may malapit na kamag-anak na may ganitong kapansanan. Mas karaniwan din ito sa kalalakihan. Posibleng may iba pang kasama itong isyu sa kalusugan ng pag-iisip. Kabilang dito ang depresyon at karamdaman sa pag-inom ng alak. Posibleng mangyari ito kapag nawala sa balanse ang isang partikular na kemikal sa utak.

Mga Sintomas

May mga sintomas ng pagiging perpeksyonista ang mga taong may OCPD na kadalasang nagsisimula sa taon ng pagiging tinedyer o simula ng edad 20. Puwede itong makahadlang sa kakayahan ng taong iyon na kompletuhin ang gawain dahil napakataas ng kanilang mga pamantayan. Puwedeng sumuko sila sa emosyunal na paraan kapag hindi nila makontrol ang sitwasyon. Puwedeng makahadlang ito sa kanilang kakayahan na lutasin ang mga problema at makabuo ng malapit na pakikipag-ugnayan sa iba.

Puwedeng kasama sa mga palatandaan ng OCPD ang:

  • Sobrang debosyon sa trabaho

  • Kawalan ng kakayahang bumagay

  • Nagiging madamot

  • Ayaw nilang hayaan ang iba na gawin ang mga bagay-bagay

  • Ayaw magpakita ng pagmamahal

  • Okupado ang sarili sa mga detalye, tuntunin, at listahan

  • Hindi maitapon-tapon ang mga bagay, kahit wala na itong kabuluhan

Mga eksaminasyon at pagsusuri

Walang pisikal na pagsusuri para sa OCPD. Sinusuri ito ayon sa sikolohikal na pagsusuri. Isasaalang-alang ng tagapangalaga ng kalusugan kung gaano na katagal at gaano kalala ang mga sintomas ng isang tao. Hindi kailangan na taglay ng taong ito ang lahat ng sintomas ng OCPD para masabing mayroon siyang karamdaman sa personalidad.

Paggamot

Ipinapalagay na ang therapy na pakikipag-usap, tulad ng cognitive behavior therapy (CBT), ang pinakaepektibong paraan ng paggamot. Puwede ring makatulong ang mga gamot na tinatawag na selective serotonin reuptake inhibitors (mga SSRI) na mabawasan ang kabalisahan at depresyon. Sa ilang kaso, mas epektibo ang pinagsamang mga gamot at therapy na pakikipag-usap kaysa alinman sa isa nito lamang.

Mga posibleng komplikasyon

Puwedeng kasama sa mga komplikasyon ng OCPD ang:

  • Kabalisahan

  • Depresyon

  • Nahihirapan sa trabaho

  • Nahihirapan sa kaugnayan sa iba

© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer