A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Diyeta Para Sa Pagsusuka at Pagtatae (Bata)

Ang pagsusuka at pagtatae ay karaniwan sa mga bata. Kapag nangyayari ito, maaaring madaling mawalan ng tubig at maging dehydrated ang isang bata. Ibig sabihin nito nawawalan siya ng maraming tubig at mga mineral na mula sa kanyang katawan. Maaaari itong maging seryoso. Maaari din itong magsapanganib sa buhay. Dapat mapalitan ang mga likido sa katawan. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagbibigay sa ng paunti-unting tubig pero madalas.

Maaaring sabihan ka na bigyan ang iyong anak ng oral rehydration solution. Kayang palitan ng inuming ito ang mga nawalang mineral na tinatawag na electrolytes. Magagamit ang inumin bilang karagdagan sa pagpapadede sa suso o tsupon. Maaari din nitong mabawasan ang pagsusuka at pagtatae. Makakabili ka ng oral rehydration solution sa mga grocery store at botika. Hindi mo kailangan ng reseta. 

Kung mayroong malalang dehydration o pagsusuka ang bata, maaaring kailangang dalhin siya sa ospital. Bibigyan siya ng IV (intravenous) na mga likido.

Pagbibigay ng inumin at pagkain

Kapag nagbibigay ng oral rehydration solution:

  • Gumamit lang oral rehydration solution na binili sa tindahan. Huwag gumawa ng sarili mong solution. Napakahalaga nito. Maaaring hindi tama ang dami ng mga sangkap na kailangan ng solusyon na ginawa sa bahay.

  • Kapag gumaling na ang pagsusuka o pagtatae pagkalipas ng 2 hanggang 3 oras, maaari mo nang ihinto ang oral rehydration solution. Maaari mo nang bigyan ang iyong anak ng ibang malinaw na likido gaya ng tubig. Maaari silang sumipsip ng ice cube. Huwag magbigay ng mga likido na maraming asukal. Huwag bigyan ng juice o soda.

  • Unti-unting dagdagan ang dami ng malinaw na mga likido. Maaari mong ihalili ang mga ito sa oral rehydration solution.

  • Kung sanggol ang iyong anak at nagpapasuso ka, gawin ito maliban kung sabihin ng iyong tagapangalaga na ihinto. Kung nagpapainom ka ng formula sa iyong sanggol, magbigay ng kaunting dami ng oral rehydration solution. Gawin ito sa loob ng ilang oras. Kapag nawawala na ang pagsusuka, maaari mo nang simulang muli ang formula.

Para sa matitigas na pagkain:

  • Kung gusto at nakakaya, maaari nang kumain ang iyong anak ng matigas na pagkain.

  • Makakapagsimula na ang iyong anak sa matigas na pagkain 12 hanggang 24 na oras pagkatapos ng pagtatae o pagsusuka. Ipagpatuloy ang pagbibigay ng maraming malinaw na likido.

  • Huwag puwersahin ang iyong anak na kumain. Huwag pakainin ang iyong anak ng marami nang minsanan, kahit na siya ay nagugutom. Maaari nitong palalain ang nararamdaman ng iyong anak. Maaari mong bigyan ang iyong anak ng dagdag na pagkain sa kalaunan kapag kaya na niya ito.

  • Kapag bumalik ang mga sintomas ng iyong anak, bumalik sa simpleng diyeta o malinaw na mga likido.

Maaaring kasama sa mga pagkaing maaari mong ibigay ang:

  • Cereal

  • Niligis na patatas

  • Applesauce

  • Niligis na saging

  • Crackers

  • Tuyong tostadong tinapay

  • Kanin

  • Oatmeal

  • Tinapay

  • Noodles

  • Pretzels

  • Mga sabaw na may kanin o noodles

  • Mga lutong gulay

Habang bumubuti ang iyong anak, maaari mong subukang pakainin ng lean meat at yogurt.

Follow-up na pangangalaga

Mag-follow up sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak tulad ng ipinayo. Kapag kinunan ng sampol ng dumi o nagsagawa ng mga culture, tumawag para hingin ang resulta tulad ng itinagubilin.

Tumawag sa 911

Tumawag sa 911 kapag ang iyong anak ay mayroon ng mga sintomas na ito:

  • Hirap sa paghinga

  • Pagkatuliro

  • Labis na pagkaantok

  • Hirap lumakad

  • Pagkahimatay

  • Mabilis na tibok ng puso

  • Paninigas ng leeg

  • Kumbulsyon

Kailan hihingi ng medikal na pangangalaga

Tumawag kaagad sa tagapangalaga ng kalusugan kung ang iyong anak ay may alinman sa mga ito:

  • Pananakit ng tiyan na lumulubha

  • Tuloy-tuloy na pananakit ng kanang ibaba ng tiyan

  • Paulit-ulit na pagsusuka pagkalipas ng unang 2 oras ng pag-inom ng likido

  • Paminsan-minsang pagsusuka sa loob ng mahigit sa 24 na oras

  • Mahigit 8 diarrhea na mga dumi sa loob ng 8 oras

  • Malalang pagtatae sa loob ng mahigit 24 na oras

  • Dugo sa suka o dumi

  • Pag-inom ng mas kaunting likido kaysa sa normal

  • May matingkad na kulay ng ihi o walang ihi sa loob ng 4 hanggang 6 oras sa mga sanggol at bata, o 6 sa loob ng 8 oras sa mas matandang mga bata, walang luha kapag umiiyak, lubog na mga mata, o tuyong bibig

  • Pag-aalburuto o pag-iyak na hindi kayang patahanin

  • Hindi pangkaraniwang pagkaantok

  • Bagong pantal

  • Pagtatae na tumatagal nang mahigit 1 linggo habang nag-aantibayotiko

  • Batang 2 taong gulang o mas matanda ay may lagnat sa loob ng mahigit sa 3 araw

  • Batang nasa kahit anong edad na may paulit-ulit na lagnat na mas mataas sa 104°F (40°C)

Online Medical Reviewer: Adler, Liora, C., MD
Online Medical Reviewer: Watson, L. Renee, MSN, RN
Date Last Reviewed: 2/1/2018
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer