A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Mga Kaalaman tungkol sa Pagpapasuso

Nakakakuha Ba Ng Sapat Na Gatas Ang Aking Sanggol?

Ang dami ng ihi ay senyales kung gaano ka-hydrated ang iyong sanggol. Kung siya ay nagkakaroon ng hindi bababa sa anim na basang diaper kada araw, sa ikaapat na araw ng kanyang pagkabuhay, siya ay nakakakuha ng sapat na inumin at napapanatiling hydrated. Ang ihi ay dapat maputla ang pagkadilaw, hindi matingkad na dilaw o kulay kahel.

Anong Uri ng Pagdumi ang Normal?

Ang iyong sanggol ay dapat magkaroon ng ilang maliliit na pagdumi kada araw.

Sa unang linggo ng kanyang buhay, normal na magkaroon siya ng dalawang dumi kada araw.

Sa pangalawa hanggang ika-apat na linggo, ang dami ng dumi ay nadaragdagan sa lima kada araw. Matapos ang isang buwan, ang dami ng dumi ay kumukonti – marahil isa o dalawa kada araw. Maaaring may araw na walang dumi.

Gaano Kadalas Akong Dapat Magpasuso?

Ang isang bagong panganak na sanggol ay karaniwang gustong sumuso kada 1½ hanggang tatlong oras sa buong maghapon.

Malalaman mo na ang iyong sanggol ay nakakakuha ng gatas kapag ikaw ay nakarinig ng tunog ng paglagok o paglunok, hindi lang pagsipsip. Tignan din ang panayang paggalaw ng panga sa pagbukas at pagsara bilang senyales ng tamang “latching on”.

Pagbabantay sa Timbang

Normal para sa iyong anak na mabawasan ng timbang sa unang linggo ng kanyang buhay. Pagkatapos ay dapat siyang muling madagdagan ng timbang, para sa pagtatapos ng pangalawang linggo, siya ay manunumbalik sa kanyang timbang sa pagkapanganak.

Kailangan Ba Ng Aking Anak Ang Ekstrang Tubig at Bitamina?

Ang gatas ng ina ang nagbibigay ng lahat ng likido at sustansiya na kailangan ng sanggol. Hindi mo na kailangang magdagdag ng tubig, bitamina o iron sa unang anim na buwan ng pagpapasuso. Sa 6 na buwan ng edad, magsimulang alukin ng mga pagkaing pangsanggol na naglalaman ng iron.

Minsan ang Aking Suso ay Sumasakit.

Ito ay kadalasang dahil sa “engorgement” ng suso dahil sa pagkapuno nito ng gatas. Ikaw ay gumagawa ng mas maraming gatas kaysa sa naiinom ng iyong sanggol. Sinasaktan nito ang ina at ginagawang mas mahirap na sumuso ang sanggol. Kapag nangyari ito, subukan ang sumusunod:

  • Ipagpatuloy ang pagpapasuso. Ito ay panandaliang kondisyon lamang at bumubuti kapag natutunan mo paano tanggalin ang labis na gatas.

  • Palabasin ang ilang gatas bago ka magpasuso, maaaring mano-mano o gamit ang isang breast pump.

  • Gumamit ng maligamgam na pimento (tuwalyang ibinabad sa maligamgam na tubig) o maligo ng maligamgam bago magpasuso. Kung ito ay hindi makapagbigay ginhawa, subukan ang ice pack.

  • Ang acetaminophen (Tylenol) ay maaaring makatulong sa patuloy na pananakit at ligtas inumin paminsan-minsan tuwing nagpapasuso.

Kumuha Ng Agarang Medikal Na Atensyo Kung Mangyari Ang Alinman Sa Mga Sumusunod:

--Ang iyong sanggol ay may paulit-ulit na pagsusuka

--Mahinang pagsipsip o pagtanggi na sumuso

--Ang iyong sanggol ay inaantok kapag gising, natutulog sa mga karaniwang oras ng pagpapakain.

-- Walang ihi sa loob ng 8 oras, walang luha kapag umiiyak, “lubog” na mga mata o nanunuyong bibig

--Ang sanggol ay may lagnat na 101.0º F (38.3 C) rektal

--Pamumula o tumitinding pananakit sa paligid ng mga utong

--Ikaw ay nagkaroon ng lagnat na 100.0º F (37.8º C) oral

--Nagkakaroon ka ng pananakit o paghilab sa mababang bahagi ng tiyan

--Nagkaroon ka ng di inaasahang pagdurugo sa pwerta o mabahong lumalabas mula dito

Online Medical Reviewer: Bass, Pat F III, MD, MPH
Online Medical Reviewer: Fraser, Marianne, MSN, RN
Date Last Reviewed: 3/1/2017
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer