A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Pag-aalis ng mga Tahi o Staple

Tiningnan ka ngayon para alisin ang iyong mga tahi o staple. Gumagaling ang iyong sugat gaya ng inaasahan. Naghilom na ang sugat nang sapat kaya maaari nang alisin ang mga tahi o staple. Patuloy na maghihilom ang sugat sa susunod na ilang buwan.

Sa panahong ito, walang palatandaan ng impeksiyon. 

Pangangalaga sa tahanan

  • Kung mayroon kang pananakit, uminom ng gamot sa pananakit ayon sa ipinayo ng iyong tagapangalaga ng kalusugan. 

  • Panatilihing malinis at protektado ang iyong sugat sa pamamagitan ng pagtatakip dito gamit ang benda sa loob ng susunod na linggo o higit pa. 

  • Hugasan ang iyong mga kamay gamit ang sabon at malinis, dumadaloy na tubig nang hindi bababa sa 20 segundo bago at pagkatapos pangalagaan ang iyong sugat. Makakatulong ito na iwasan ang impeksyon.

  • Linisin nang banayad ang sugat gamit ang sabon at malinis, dumadaloy na tubig araw-araw o ayon sa itinagubilin ng iyong tagapangalaga ng kalusugan. Huwag gumamit ng iodine, alkohol, o iba pang panlinis sa sugat.  Patuyuin ito nang marahan. Lagyan ng bagong benda, kung kinakailangan. Huwag muling gamitin ang mga benda.

  • Kung mabasa ang bahagi, patuyuin ito nang marahan gamit ang malinis na tela. Palitan ang basang benda ng tuyong benda.

  • Tingnan ang sugat araw-araw para sa mga palatandaan ng impeksiyon. (Nakalista ang mga ito sa "Kailan dapat humingi ng medikal na payo" sa ibaba.)

  • Maaari kang mag-shower at maligo gaya ng dati. Maaaring payagan ang paglangoy, pero magtanong muna sa iyong tagapangalaga ng kalusugan.

  • Ilayo ang sugat sa matagal na direktang sikat ng araw. Napakasensitibo ng bagong balat at madaling masusunog ng araw. Maaari itong maging sanhi ng pilat.

Follow-up na pangangalaga

Mag-follow-up sa iyong tagapangalaga ng kalusugan ayon sa ipinayo.

Kailan dapat humingi ng medikal na payo 

Tawagan ang tagapangalaga ng iyong kalusugan kung anuman sa mga ito ang mangyari:

  • Muling bumuka o dumugo ang sugat

  • Mga palatandaan ng isang impeksiyon, gaya ng:

    • Nadaragdagan ng pamumula o pamamaga sa paligid ng sugat

    • Nadagdagan ng mainit na pakiramdam mula sa sugat

    • Pananakit na mas lumulubha

    • Mapulang bahid ng mga linya malayo sa sugat

    • May lumalabas na likido mula sa sugat

  • Lagnat na 100.4°F (38°C) o mas mataas, o ayon sa itinagubilin ng iyong tagapangalaga

Online Medical Reviewer: Rita Sather RN
Online Medical Reviewer: Tara Novick
Online Medical Reviewer: Todd Campbell MD
Date Last Reviewed: 1/1/2022
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer