Search Results
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Pananakit ng Tiyan at Unang Bahagi ng Pagbubuntis

Ipinapakita ng mga pagsusuri na ginawa sa iyo na buntis ka. Ngunit hindi malinaw ang eksaktong dahilan ng iyong pananakit.

Karaniwan sa unang bahagi ng pagbubuntis ang kaunting pananakit at pagdurugo. Madalas na humihinto ang mga ito, at makakapagpatuloy ka para magkaroon ng normal na pagbubuntis at sanggol. Sa ibang pagkakataon, maaaring mga palatandaan ang pananakit o pagdurugo ng pagkalaglag o ectopic pregnancy. Ang ectopic pregnancy ay isang napakalubhang problema. Sa panahong ito, hindi malinaw kung magpapatuloy ang iyong pagbubuntis nang normal, kung malalaglagan ka, o kung mayroon kang ectopic pregnancy. Nasa ibaba ang ilang impormasyon tungkol dito.

Pagkalaglag

Sa panahong ito, hindi alam kung malalaglagan ka, o kung malilinawan ang mga bagay-bagay at magpapatuloy nang normal ang iyong pagbubuntis. Isa itong panahon na mahirap sa damdamin. Ngunit mahalagang maintindihan na karaniwan ang mga pagkalaglag.

Halos 1 o 2 mula sa bawat 10 pagbubuntis ang nagtatapos nang ganito. Natatapos pa ang ilan bago malaman ng isang tao na buntis siya. Nangyayari ito sa maraming kadahilanan. Madalas, hindi nalalaman ang sanhi. Ngunit mahalagang alam mo na hindi mo ito kasalanan. Hindi ito nangyari dahil gumawa ka ng anumang bagay na mali.

Hindi nagdudulot ang pakikipagtalik o pag-eehersisyo ng pagkalaglag. Karaniwang ligtas ang mga aktibidad na ito maliban kung mayroon kang pananakit o pagdurugo. O maliban kung sinabi ng iyong tagapangalaga ng kalusugan na huminto. Hindi rin magdudulot ng pagkalaglag ang mga bahagyang pagkabara. Nangyayari ang mga pagkalaglag dahil hindi nangyayari ang mga bagay-bagay gaya nang dapat mangyari. Walang gamot ang makakapigil sa pagkalaglag.

Ectopic pregnancy

Sa normal na pagbubuntis, kakapit ang pertilisadong itlog sa dingding ng matris. Sa isang ectopic o tubal pregnancy, kakapit ang pertilisadong itlog sa labas ng matris, karaniwang sa fallopian tube. Sa mga pambihirang kaso, kakapit ang itlog sa isang obaryo o saanman sa tiyan (abdomen). Mas hindi karaniwan ang ectopic pregnancy kaysa pagkalaglag. Ngunit napakalubha nito. Hindi makakaligtas ang sanggol. At habang lumalaki ito, maaari nitong pasabugin (sirain) ang fallopian tube. Maaari itong magdulot ng pagdurugo sa loob at maging kamatayan. Ang mga dahilan ng panganib para sa ectopic pregnancy ay:

  • Isang dating ectopic pregnancy

  • Sakit na pamamaga ng balakang (pelvic inflammatory disease o PID)

  • Endometriosis

  • Paninigarilyo

  • Isang IUD

Mga karagdagang pagsusuri

Hindi alam kung ano ang nagdudulot ng iyong mga sintomas. Kaya kakailanganin mo ng marami pang pagsusuri upang malaman kung ano ang problema. Maaaring kailanganin mo ang mga pagsusuring nasa ibaba.

Ultrasound

Tagapangalaga ng kalusugan na gumagawa ng eksaminasyon na ultrasound sa buntis.

Kadalasang malalaman sa isang ultrasound ang normal na pagbubuntis na kasing aga ng 4 hanggang 5 linggo. Kung hindi ipinapakita ng ultrasound ang sanggol sa loob ng matris, nangangahulugan ito ng 1 sa mga bagay na ito:

  • Normal ang iyong pagbubuntis na wala pang 4 na linggo

  • Mayroon ka o kamakailan na pagkalaglag

  • Mayroon kang ectopic pregnancy

Hormone sa pagbubuntis

Sinusukat ng HCG test ang dami ng hormone sa pagbubuntis sa iyong dugo. Ipapakita ng pagkukumpara ng resulta ng pagsusuri ngayong araw sa isang inulit na pagsusuri sa loob ng 2 araw kung normal ang iyong pagbubuntis.

Laparoscopy

Isang uri ito ng operasyon. Magpapasok ang tagapangalaga ng kalusugan ng isang tubo na may ilaw sa loob sa iyong tiyan upang direktang tingnan ang iyong mga organ sa balakang. Ginagamit ang pagsusuring ito kapag hindi ligtas na maghintay ng 2 araw para sa mga resulta ng pagsusuri ng dugo.

Mahahalagang impormasyon

Kung mayroon kang ectopic pregnancy, may maliit na tsansa na sirain ng lumalaking sanggol ang fallopian tube. Maaari itong magdulot ng matinding pagdurugo sa loob. Kapag mangyayari ito, puwede kang magkaroon ng:

  • Biglaang matinding pananakit sa ibaba ng iyong tiyan

  • Pagdurugo sa pwerta

  • Panghihina, pagkahilo, at kung minsan ay pagkahimatay

Kung mangyari ang alinman sa mga sintomas na ito:

  • Tumawag sal 911o bumalik kaagad sa ospital.

  • Huwag magmaneho nang mag-isa.

  • Huwag pumunta sa opisina ng iyong tagapangalaga ng kalusugan o sa isang klinika. Pumunta sa ospital.

Pangangalaga sa tahanan

Sundin ang mga patnubay na ito upang matulungan ka na pangalagaan ang iyong sarili sa tahanan:

  • Magpahinga hanggang sa iyong susunod na eksamin. Huwag gumawa ng anumang mabigat na aktibidad.

  • Kumain ng magaang diyeta na may mga pagkain na madaling tunawin.

  • Huwag makipagtalik hanggang sinabi ng iyong tagapangalaga ng kalusugan na OK iyon.

Follow-up na pangangalaga

Mag-follow up sa tagapangalaga ng iyong kalusugan, o ayon sa ipinayo. Kung sinabihan ka ng magpasuri muli ng dugo sa loob ng 2 araw, mahalagang ipagawa ito.

Kung nagpa-S-ray ka o ultrasound, susuriin ito ng isang radiologist. Sasabihan ka kung may anumang bagong natagpuan sa iyong resulta na makakaapekto sa iyong pangangalaga.

Tumawag sa 911

Tumawag sa 911 kung mayroon ka ng alinman sa mga ito:

  • Matinding pananakit at napakalakas na pagdurugo

  • Matinding pagkalula, pagkahimatay, o panghihina

  • Mabilis na pintig ng puso

  • Hirap sa paghinga

  • Nalilito o nahihirapang magising

Kailan hihingi ng medikal na pangangalaga

Tumawag kaagad sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung alinman sa mga ito ang mangyari:

  • Lumulubha ang pananakit sa iyong tiyan, alinman sa biglaan o dahan-dahan.

  • Nahihilo ka o nanghihina kapag tumatayo ka.

  • Malakas ang pagdurugo sa iyong puwerta. Ibig sabihin nito na nabababad ang 1 pad kada oras sa loob ng 3 oras.

  • Nagdurugo ang iyong puwerta sa loob ng mahigit sa 5 araw.

  • Mayroon kang paulit-ulit na pagsusuka o pagtatae.

  • Lumilipat ang pananakit sa iyong tiyan sa ibabang kanan.

  • Mayroon kang dugo sa iyong suka o dumi. Ito ay matingkad na pula o maitim.

  • Mayroon kang lagnat na 100.4ºF (38ºC) o mas mataas, o ayon sa ipinayo ng iyong tagapangalaga.

Online Medical Reviewer: Donna Freeborn PhD CNM FNP
Online Medical Reviewer: Heather M Trevino BSN RNC
Online Medical Reviewer: Irina Burd MD PhD
Date Last Reviewed: 5/1/2022
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer