Search Results
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Pulmonary Hypertension

Ang pulmonary hypertension ay mataas na presyon ng mga daluyan ng dugo na nagdadala ng mga dugo papunta sa mga baga. Pinupuwersa nito ang mga baga at puso. Maaari itong humantong sa malulubhang problema.

Harapang larawan ng lalaking kita ang ulo at dibdib na ipinapakita ang puso at mga baga.

Mataas na presyon ng dugo

Ang ibig sabihin ng systemic hypertension ay labis na presyon sa mga daluyan ng dugo sa buong katawan. Puwedeng magkaroon ng mataas na presyon ng dugo sa buong katawan ang isang tao na may pulmonary hypertension.

Ano ang mga sanhi ng pulmonary hypertension?

Kung minsan, hindi alam ang sanhi nito. Pero madalas sanhi ito ng iba pang problema sa kalusugan. Sa maraming kaso, ang pagkontrol ng ganitong problema ay makakatulong na maiwasan o makontrol ang pulmonary hypertension. Nasa ibaba ang ilan sa mga pinakakaraniwang sanhi ng pulmonary hypertension.

Sa mga bata:

  • Malalang mga problema sa baga sa isang bagong silang

  • Mga kundisyon sa baga, tulad ng cystic fibrosis o interstitial lang disease

  • Mga depekto sa puso simula pagkasilang

  • Iba pang kundisyon, tulad ng scleroderma, lupus, o sicle cell disease

  • Namamanang sakit

Sa mga adulto:

  • Mga kundisyon sa puso, tulad ng chronic obstructive pulmonary disease (COPD), advanced bronchitis, cystic fibrosis, o pulmonary fibrosis

  • Sakit sa atay

  • Pamumuo ng dugo sa mga baga

  • Pagpalya ng kaliwang bahagi ng puso

  • Sleep apnea

  • Iba pang kundisyon, tulad ng scleroderma, lupus, o sicle cell disease

  • Ilang gamot

  • Namamanang sakit

Ano ang mga sintomas ng pulmonary hypertension?

Puwedeng biglang dumating ang mga sintomas. O, puwedeng dumating ito nang dahan-dahan sa paglipas ng panahon. Maaaring kabilang sa mga sintomas ang:

  • Kakapusan sa hininga

  • Nangangasul na labi o mga kuko ng daliri (mga palatandaan ng mababang oxygen)

  • Madaling mapagod, lalo na kapag aktibo

  • Mabilis na tibok ng puso

  • Pananakit sa itaas na kanang bahagi ng tiyan

  • Pamamaga sa mga binti o mga bukong-bukong

  • Pananakit ng dibdib o presyon

  • Pagkahimatay o pakahilo

Paano dina-diagnose ang pulmonary hypertension?

Bibigyan ka ng iyong tagapangalaga ng kalusugan ng isang pagsusuri. Pakikinggan niya ang iyong puso at mga baga. Susukatin niya ang presyon ng iyong dugo. Maaaring magkaroon ka ng mga pagsusuri tulad ng:

  • Mga pagsusuri ng dugo. Susukatin nito ang partikular na mga paggana ng katawan. Titingnan din nila ang kung may mga problemang tulad ng impeksyon.

  • X-ray ng Dibdib. Kukunan nito ng larawan ang loob ng dibdib. Maipakikita nito ang ilang problema sa puso at baga.

  • Electrocardiogram (ECG). Ire-record ng pagsusuring ito ang elektrikal na aktibidad ng puso.

  • Echocardiogram (echo). Gagamit ang pagsusuring ito ng mga sound wave para makagawa ng gumagalaw na larawan ng puso.

  • Mga pagsusuri sa paggana ng baga. Sinusukat ng mga pagsusuring ito ang paghinga at kapasidad ng baga.

  • Pag-scan ng baga habang dumadaloy ang dugo o perfusion lung scan. Posibleng gamitin ang ganitong scan para humanap ng mga pagbabago sa mga artery na papunta sa mga baga. Maipakikita nito ang pagdaloy ng dugo sa loob ng mga baga. At maipakikita nito ang mga pamumuo ng dugo.

  • CT scan ng dibdib. Ang ganitong pagsusuri ay gagawa ng detalyadong mga larawan ng mga baga.

  • Pagsusuring 6 na minutong paglalakad. Sinusukat ng ganitong pagsusuri ang kakayahan mong makatagal sa ehersisyo. Tinitingnan nito kung bumabagsak ang mga lebel ng iyong oxygen kapag pinupuwersa mo ang sarili mo.

  • Pagpapasok ng catheter sa kanang puso (cath). Sinusukat ng ganitong pamamaraan ang presyon sa puso at mga baga. Ito lamang ang pagsusuri na sumusukat sa presyon sa loob ng mga pulmonary artery. Ipinapasok ang isang manipis na tubo (catheter) sa isang daluyan ng dugo na nasa singit o leeg. Ginagabayan ito papasok sa kanang bahagi ng puso at sa pulmonary artery. Ito ang pangunahing artery na nagdadala ng dugo papunta sa iyong mga baga. At isasagawa ang mga pagsusuri ng presyon ng dugo.

Paano nilulunasan ang pulmonary hypertension? 

Nakasalalay ang paggamot sa iyong edad, kalusugan, at kung gaano kalubha ang iyong mga sintomas. Anumang mga problema sa kalusugan na mayroon ay gagamutin. Posibleng kabilang sa paggagamot ang:

  • Oksihino

  • Gamot para pababain ang presyon ng mga daluyan ng dugo sa baga

  • Gamot para matulungan na matanggal ang sobrang tubig sa katawan

  • Gamot para maiwasan ang pamumuo ng dugo

  • Gamot na tumutulong na mas lumakas ang tibok ng puso, magbomba ng mas maraming dugo, at makontrol ang abnormal na mga ritmo ng puso

Ano-ano ang mga pangmatagalang alalahanin?

Walang lunas ang pulmonary hypertension. Ngunit maaaring makabawas sa mga sintomas ang ilang partikular na paggamot at mapabagal ang paglala ng sakit. Sa mga bihira at malalang kaso, posibleng kailangan ang pag-transplant ng baga. Makapagsasabi pa ng higit ang iyong tagapangalaga ng kalusugan ng tungkol sa pangangailangang ito.

Kailan dapat tumawag sa iyong tagapangalaga ng kalusugan

Tumawag kaagad sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung mayroon ka ng alinman sa mga ito:

  • Pangangasul ng mga labi, kuko ng mga daliri, o tainga

  • Kakapusan sa hininga

  • Pagkahilo o pagkalula

  • Pananakit ng ulo

  • Lagnat na 100.4° F ( 38.0°C ) o mas mataas, o ayon sa ipinayo ng iyong tagapangalaga ng kalusugan

  • Bago o hindi karaniwang pamamaga ng mga binti o mga paa

  • Mga sintomas na lumulubha

  • Mga bagong sintomas

Tumawag sa 911

Tumawag sa 911 kung mayroon ka ng alinman sa mga ito:

  • Pananakit ng dibdib

  • Nahihirapang huminga o lumulubhang kakapusan sa hininga

  • Pagkahimatay

  • Pag-ubo ng dugo

  • Mabilis o hindi regular na pintig ng puso

© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer