Pangangalaga sa Sarili Pagkatapos ng Episiotomy
Nagkaroon ka ng episiotomy o napunit na tisyu nang isilang mo ang iyong sanggol. Ang episiotomy ay hiwa na ginagawa upang lakihan ang bukana ng puwerta. Nangyayari nang kusa ang pagkapunit. Gumagamit ang tagapangalaga ng mga tahi upang ayusin ang balat sa o malapit sa iyong puwerta. Matutunaw nang kusa ang mga tahi sa loob ng ilang linggo. Hindi kailangang tanggalin ang mga ito ng iyong tagapangalaga ng kalusugan.
Pag-iwas sa impeksiyon
Pababain ang panganib ng impeksiyon sa pamamagitan ng pagpapanatiling malinis ng iyong tahi. Upang gawin ito:
-
Marahang punasan mula unahan hanggang likod pagkatapos ng iyong pagdumi.
-
Pagkatapos mapunasan, bugahan ng maligamgam na tubig ang tahi. Patuyuin.
-
Pagkatapos umihi, OK lang na huwag itong punasan. Bugahan lang ng maligamgam na tubig at patuyuin.
-
Huwag gumamit ng sabon o anumang likido bukod sa tubig maliban kung ipinayo iyon ng iyong tagapangalaga ng kalusugan.
-
Magpalit ng iyong sanitary pad kada 2 hanggang 4 na oras man lang.
Pag-iwas sa pagtitibi
Sundin ang mga suhestiyong ito:
-
Kumain ng sariwang mga prutas at gulay, buong binutil, at bran cereals.
-
Uminom ng 6 hanggang 8 basong tubig araw-araw, maliban kung iba ang ibinilin.
-
Huwag piliting dumumi.
-
Tanungin ang iyong tagapangalaga ng kalusugan kung dapat kang gumamit ng pampalambot ng dumi.
-
Kung ikaw ay nagpapasuso, tanungin ang tagapangalaga ng iyong kalusugan bago uminom ng anumang gamot.
Pagbawas ng kirot
Subukang gawing mas komportable ang sarili mo sa pamamagitan ng:
-
Pag-upo sa maligamgam at mababaw na water bath (sitz bath).
-
Paglalagay ng malalamig na pack o maiinit na pack sa iyong tahi. Maglagay ng manipis na tuwalya sa pagitan ng pack at ng iyong balat.
-
Pag-upo sa matatag na upuan upang hindi gaano mabatak ang tahi.
-
Gumamit ng may gamot na pang-ispray ayon sa iniutos ng tagapangalaga ng iyong kalusugan.
-
Ang pakikipag-usap sa tagapangalaga ng iyong kalusugan tungkol sa paggamit ng gamot na kontra-pamamaga, gaya ng ibuprofen, upang maibsan ang pananakit.
Follow-up na pangangalaga
Mag-follow up appointment ayon sa itinagubilin.
Kailan dapat tumawag sa iyong tagapangalaga ng kalusugan
Tumawag kaagad sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung mayroon ka ng alinman sa mga ito:
-
Pamumuo ng dugo na may sukat na sangkapat o higit pa na laging dumadaloy mula sa iyong puwerta
-
Malakas o bumubulwak na pagdurugo mula sa iyong puwerta
-
Mabahong likido mula sa iyong puwerta
-
Matinding pananakit ng tiyan o matinding pananakit malapit sa iyong mga tahi
-
Lagnat na 100.4°F (38°C) o higit pa, o tulad ng itinagubilin ng iyong tagapangalaga ng kalusugan
-
Giniginaw na nangangaligkig
-
Hindi pagdumi sa loob ng 1 linggo pagkatapos ipanganak ang iyong sanggol
-
Hirap umihi
-
Masakit na pag-ihi o lubhang naiihi
-
Mga tahi na lumalabas o mga piraso ng tahi na lumalabas mula sa iyong puwerta
Online Medical Reviewer:
Daniel N Sacks MD
Online Medical Reviewer:
Donna Freeborn PhD CNM FNP
Online Medical Reviewer:
Heather Trevino
Date Last Reviewed:
2/1/2021
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.