Karaniwang Tanong Tungkol sa Pagpapasuso
Narito ang mga sagot sa ilang katanungan na kadalasang itinatanong ng mga bagong magulang.

Sapat ba ang nakukuhang gatas ng aking sanggol?
Pagdating sa pagpapasuso sa iyong sanggol, anuman ang pumasok ay dapat ding lumabas. Masasabi mo kung gaano karaming gatas ang naiinom ng iyong sanggol sa pamamagitan ng pag-aantabay sa diaper ng sanggol:
-
Sa unang 24 na oras ng pagkasilang: Ang sanggol ay dapat may 1 hanggang 2 basang diaper at 1 hanggang 2 maruming (dumi) diaper. Magiging maitim, malagkit, at parang alkitran (meconium) ang dumi.
-
Ang ikalawa at ikatlong araw pagkasilang: Ang sanggol ay dapat may 3 hanggang 4 na basang diaper at 2 hanggang 3 maruming diaper. Ang dumi ay maberde na kulay-kape (pagpapalit ng dumi).
-
Pagkatapos ng unang 4 o 5 araw: Ang sanggol ay dapat may hindi bababa sa 5 hanggang 6 na basang diaper at hindi bababa sa 3 hanggang 4 na maruming diaper sa isang araw. Ang dumi ay dilaw at buhaghag.
-
Kabilang sa iba pang palatandaan na kumakain nang mabuti ang iyong sanggol ang pagtaas ng timbang at pagiging relaks pagkatapos ng karamihang mga pagpapakain.
Paano ko malalaman kung nagugutom ang aking sanggol?
Huwag maghintay na umiyak ang iyong sanggol para pakainin siya. Ang mga bagong panganak ay dapat padedehin agad kapag may nakitang senyales na siya ay nagugutom. Kabilang sa mga ito ang:
-
Paggalaw kapang gumigising
-
Dagdag na pagkaalerto o aktibidad
-
Pagdunggol sa iyong dibdib (rooting reflex)
-
Pagpapatunog ng mga labi o pagbukas at pagsara ng kanyang bibig
-
Paghipo ng mga kamay sa bibig, pagsipsip sa kamay o mga daliri
-
Pag-iyak (huling senyales)
Gaano kadalas ko dapat pasusuhin ang aking sanggol?
Pakainin ang iyong sanggol nang madalas at hanggang gusto niya. Tiyakin na ikaw ay nagpapasuso ng hindi bababa sa 8 hanggang 12 beses sa isang araw. Ang ilan sa mga pagpapasusong ito ay maaaring dikit sa isa’t-isa (cluster feeding). At magpapahinga ang iyong sanggol ng ilang oras. Hayaang sumuso ang iyong sanggol hangga't gusto niya. Kapag tapos na, hihinto siyang lumunok, irerelaks ang kanyang mga kamay, at matutulog.
Kung hindi pa sumususo ang iyong sanggol sa loob ng 4 na oras, maaaring kailangan mo siyang gisingin at ialok ang iyong gatas. Ang mga bagong panganak ay antukin at minsan ay ayaw gumising upang kumain. Kung mukhang hindi interesado ang iyong sanggol sa pagsuso, ilapit siya sa iyong balat nang naka-diaper lamang (balat sa balat) at patuloy na ialok ang iyong gatas.
Huwag mabahala kung tumututol ang iyong sanggol kapag pinasususo. May ilang sanggol ang mabilis maabala. Upang kalmahin ang iyong sanggol, pumili ng tahimik na lugar para magpadede. Makakatulong din kung ikaw ay magpapasuso sa parehong oras sa iyong tahanan sa bawat pagkakataon. Kung umiiyak ang iyong sanggol, maaaring mahirap para sa kanya ang kumapit. Banayad na ilagay ang iyong daliri sa bibig upang tulungan siyang makaramdam ng pagkahinahon. Pagkatapos, ialok muli ang iyong gatas.
Mapapalayaw ko ba ang aking sanggol?
Ang mga bagong panganak ay hindi mapapalayaw. Kapag kailangan ng iyong sanggol ng kaginhawahan, pagkain, o paghawak, malalaman mo sa kanyang pag-iyak. Kapag tumugon ka sa mga pangangailangan ng iyong sanggol, tinutulungan mo siyang matuto na pagkatiwalaan ka. Ito ang oras upang bigyan ang iyong sanggol ng pagmamahal at asikasuhin ang kanyang mga pangangailangan.
Ano ang biglang paglaki?
Ang mga sanggol ay marami kumain. Napakaliit ng kanilang mga tiyan kapag isinilang, at madali at mabilis matunaw ang gatas ng ina. Ito ay lalong totoo sa panahon ng biglaang paglaki. Madalas na nagaganap ang biglang paglaki sa edad na 2 at 6 na linggo. Nangyayaring muli sa 3 at 6 na buwan. Sa mga panahong ito, ang iyong sanggol ay sususo ng mas madalas. Huwag maalarma. Normal ito Anumang oras na nag-aalala ka tungkol sa kung paano kumakain ang iyong sanggol, magandang ideya na makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan o sa isang lactation consultant.
Online Medical Reviewer:
Donna Freeborn PhD CNM FNP
Online Medical Reviewer:
Heather Trevino
Online Medical Reviewer:
Michele Burtner CNM
Date Last Reviewed:
7/1/2021
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.