Pag-unawa sa mga Mood Disorder
Karamihang tao ay may pagbabago sa mood paminsan-minsan. Sa isang araw maaaring mainit ang ulo mo at sa susunod na araw ay maayos ang iyong pakiramdam. Ngunit sa mood disorder, hindi simple ang mga pagbabago ng mood. At maaaring magdulot ang mga ito ng matinding hirap ng kalooban. Maaari nitong gambalain nang labis ang iyong buhay. Maaaring magamot ang mga mood disorder. Makipag-usap sa tagapangalaga ng iyong kalusugan o sa isang tagapangalaga ng kalusugan ng pag-iisip. Makakatulong ang mga ito.

Ano-ano ang mga mood disorder?
Ang mood disorder ay mga sakit na nakakaapekto kung paano ka mag-isip at makaramdam. Maaaring ganap na malubha ang mga sintomas. Sa karamihang kaso, hindi nawawala nang kusa ang mga ito. Depresyon at bipolar disorder ang pinakakaraniwang mga mood disorder.
-
Depresyon. Pakiramdam na sobrang lungkot ang pangunahing sintomas ng depresyon. Maaari ka ring makaramdam ng kawalan ng pag-asa. O na hindi makabuluhan ang buhay. May mga pagkakataon na maaari mong maisip ang tungkol sa pagpapakamatay o kamatayan. Maraming tao ang nakararanas ng kalungkutan sa kanilang buhay. Madalas na nababawasan ang mga pakiramdam na ito sa paglipas ng panahon. Ngunit maaaring hindi gumaling ang mga taong may malubhang depresyon nang walang paggamot.
-
Bipolar disorder. Tinatawag kung minsan na sakit na manic-depressive ang bipolar disorder. Dahil nagdudulot ito ng matitinding mood swing. May pagkakataon na makakaramdam ka ng sobrang saya at puno ng sigla. Madalas sinusundan ang mga yugtong ito ng matinding kawalan ng pag-asa. Sa ilang kaso, maari mong maramdaman kaagad ang parehong matinding saya at lungkot. Malamang na magkakaroon ka ng mga yugto kapag nagpapabalik-balik ang iyong mood. Maaari kang magkaroon ng mga pagsumpong na ito nang paminsan-minsan lang. O maaaring mangyari ang mga ito nang ilang beses sa isang taon. Kung walang paggamot, maaaring patuloy na mangyari ang mga ito nang habambuhay.
Ano ang sanhi ng mood disorder?
Walang nakakaalam kung ano ang sanhi ng mga mood disorder. Pero, umiiral sa mga pamilya ang mga ito. Maaaring may papel na ginagampanan din ang mga pagbabago sa ilang kemikal na nasa iyong utak. Ang malalaking pagbabago sa buhay, stress, trauma, ilang sakit sa katawan, at mga gamot ay maaaring magresulta sa mood disorder. Nakakaapekto ang mga sakit na ito sa kapwa sa mga lalaki at babae. Maaari ding matamaan ng mga ito ang mga tao sa lahat ng edad, lahi at antas ng kita.
Maraming available na mapagkukunan sa online at komunidad para sa mga taong may mga mood disorder. Makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa mga tagapayo, serbisyong suporta sa pamilyam, at suportang grupo sa iyong lugar.
Paano nakaaapekto ang mga pang-araw-araw na problema sa iyong kalusugan
Maraming bagay sa iyong pang-araw-araw na buhay ang nakaaapekto sa iyong kalusugan. Kabilang dito ang transportasyon, mga problema sa pera, pabahay, access sa pagkain, at pag-aalaga ng anak. Kung hindi ka makakakuha ng mga medical na appointment, maaaring hindi ka makatanggap ng pangangalaga na kailangan mo. Kapag kulang ang pera, maaaring mahirap na mabayaran ang mga gamot. At maaaring maging mahirap na bumili ng masustansyang pagkain ang pagtira na malayo sa isang grocery store.
Kung mayroon kang mga alalahanin sa alinman sa mga ito o iba pang larangan, makipag-usap sa iyong team ng tagapangalaga ng kalusugan. Maaaring may alam silang mga lokal na mapagkukunan upang tulungan ka. O maaaring mayroon silang tauhan na makatutulong sa iyo.
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.