Related Reading
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Bali ng Bukung-bukong, Distal Fibula

Mayroon kang bali, o nabaling buto, ng dulo ng buto na fibula. Ang fibula ay 1 sa 2 buto na sumusuporta sa kasukasuan ng bukung-bukong.

Pangangalaga sa tahanan

  • Lalagyan ka ng splint, molde, o espesyal na bota upang maiwasan ang paggalaw sa lugar ng pinsala. Huwag maglagay ng bigat sa isang splint. Masisira ito. Sundi ang payo ng iyong tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa kung kailan magsisimulang magdala ng bigat nang nakamolde o nakabota.

  • Panatilihing nakataas ang iyong binti kapag nakaupo o nakahiga. Kapag natutulog, maglagay ng unan sa ilalim ng napinsalang binti. Kapag nakaupo, suportahan ang napinsalang binti para mataas ito sa lebel ng puso. Napakahalaga nito sa unang 48 oras.

  • Panatilihing ganap na tuyo ang molde o splint sa lahat ng oras. Kapag naliligo, protektahan ang molde o splint gamit ang 2 malalaking bag na plastik. Ilagay ang 1 bag sa labas ng isa. I-tape ang bawat bag gamit ang duct tape sa dulong itaas o gumamit ng mga lastiko. Maaari pa ring tumagas ang tubig kahit natatakpan na ang paa. Kaya pinakamainam na panatilihing malayo sa tubig ang molde, splint, o bota. Kapag nabasa ang fiberglass na molde o splint, tuyuin ito gamit ang hair dryer sa setting na malamig.

  • Maglagay ng ice pack sa napinsalang bahagi nang hindi hihigit sa 15 hanggang 20 minuto. Gawin ito tuwing 3 hanggang 6 na oras para sa unang 24 hanggang 48 oras. Ipagpatuloy ito 3 hanggang 4 na beses sa isang araw kung kinakailangan. Upang makagawa ng ice pack, maglagay ng mga piraso ng yelo sa isang plastic bag na naisasara sa ibabaw nito. Ibalot ang bag sa isang malinis at manipis na tuwalya o tela. Huwag kailanman ilagay ang yelo o ang isang ice pack nang direkta sa balat. Maaaring ilagay ang ice pack nang direkta sa molde o splint. Habang natutunaw ang yelo, maging maingat na hindi mabasa ang molde o splint.

  • Maaari kang gumamit ng mga gamot na nabibili nang walang reseta upang makontrol ang pananakit, maliban na lang kung may ibang iniresetang gamot para sa pananakit. Kung ikaw ay may pangmatagalang sakit sa atay o bato, o nagkaroon ng ulcer sa sikmura, pagdurugo sa sikmura at bituka, o umiinom ng pampanipis ng dugo, makipag-usap sa iyong tagapangalaga bago gamitin ang mga gamot na ito.

Follow-up na pangangalaga

Mag-follow up sa iyong tagapangalaga ng kalusugan sa loob ng 1 linggo, o ayon sa ipinayo. Ito ay upang makasiguro na gumagaling nang maayos ang buto. Kung nilagyan ka ng splint, maaari itong palitan ng molde o bota pagkatapos mawala ang pamamaga.

Kung kumuha ng mga X-ray, sasabihan ka kung may anumang bagong natagpuan sa iyong resulta na makakaapekto sa iyong pangangalaga.

Kailan dapat humingi ng medikal na payo

Tumawag kaagad sa tagapangalaga ng iyong kalusugan kung alinman sa mga ito ang mangyari:

  • Magiging basa o malambot ang plaster na molde o splint

  • Nananatiling basa ang fiberglass na molde o splint sa loob ng mahigit sa 24 na oras

  • Magkakaroon ng dagdag na paninikip o pananakit sa ilalim ng molde o splint

  • Mamamaga, manlalamig, magkukulay asul, mamamanhid, o manginginig ang iyong mga daliri sa paa

  • Magiging maluwag ang molde o splint

  • May mabahong amoy ang molde o splint

  • Magkakaroon ng mga bahaging may sugat sa ilalim ng molde o splint

  • Magkakaroon ng mga bitak o basag sa molde o splint 

Online Medical Reviewer: L Renee Watson MSN RN
Online Medical Reviewer: Raymond Turley Jr PA-C
Online Medical Reviewer: Thomas N Joseph MD
Date Last Reviewed: 1/1/2022
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer