Viral Upper Respiratory Illness (Bata)
Ang iyong anak ay may viral upper respiratory illness(URI). Ito ay tinatawag ding karaniwang sipon. Nakakahawa ang virus sa mga unang araw. Ito ay kumakalat sa hangin sa pamamagitan ng pag-ubo o pagbahing, o sa pamamagitan ng direktang kontak. Nangangahulugan ito na kapag hinawakan ang iyong may sakit na anak at pagkatapos ay hahawakan ang iyong sariling mga mata, ilong, o bibig. Ang madalas na paghuhugas ng iyong mga kamay ay mababawasan ang panganib ng pagkalat ng virus. Karamihan sa mga viral na sakit ay nawawala sa loob ng 7 hanggang 14 na araw na may pahinga at simpleng pangangalaga sa bahay. Ngunit maaaring minsan ay tumatagal sila ng hanggang 4 na linggo. Hindi papatayin ng mga antibayotiko ang isang virus. Sila ay karaniwang hindi inirereseta para sa kundisyong ito.
Pangangalaga sa bahay
-
Mga likido. Ang lagnat ay nagpapataas ng pagkawala ng dami ng tubig mula sa katawan. Hikayatin ang iyong anak na uminom ng maraming likido upang lumuwag ang mga likido sa baga at gawing mas madali ang paghinga.
-
Para sa mga sanggol na wala pang 1 taong gulang , ipagpatuloy ang regular na pagpapakain ng formula o pagpapasuso. Sa pagitan ng pagpapakain, magbigay ng oral rehydration solution. Ito ay makukuha sa mga botika at mga grocery store ng walang reseta.
-
Para sa mga batang mas matanda sa 1 taon, magbigay ng maraming likido, tulad ng tubig, juice, gelatin na tubig, soda na walang caffeine, ginger ale, lemonade, o ice pop.
-
Pagkain. Kung ang iyong anak ay ayaw kumain ng mga matigas na pagkain, OK lang sa mga ilang araw, basta umiinom sila ng maraming likido.
-
Pahinga. Panatilihing magpahinga ang mga batang may lagnat sa bahay o maglaro ng tahimik hanggang sa mawala ang lagnat. Hikayatin ang madalas na pag-idlip. Maaari ng bumalik ang iyong anak sa daycare o paaralan kapag nawala na ang lagnat at kapag sila ay kumakain na nang maayos, hindi madaling mapagod, at bumuti na ang pakiramdam.
-
Matulog. Ang mga panahon ng kawalan ng tulog at iritable ay karaniwan.
-
Mga bata 1 taon at mas matanda. Patulugin ang iyong anak sa bahagyang tuwid na posisyon. Ito ay upang makatulong na gawing mas madali ang paghinga. Kung maaari, itaas ang ulo ng kama ng bahagya. O itaas ang ulo at itaas na katawan ng iyong nakatatandang anak na may dagdag na mga unan. Makipag-usap sa tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan ng iyong anak tungkol sa kung hanggang saan itataas ang ulo ng iyong anak.
-
Mga sanggol na wala pang 12 na buwang gulang . Huwag kailanman gumamit ng mga unan o patulugin ang iyong sanggol sa kanilang tiyan o tagiliran. Ang mga sanggol na wala pang 12 buwan ay dapat matulog sa patag na ibabaw sa kanilang likod. Huwag gumamit ng mga upuan sa kotse, stroller, swing, baby carrier, at baby sling para sa pagtulog. Kung ang iyong sanggol ay nakatulog sa isa sa mga ito, ilipat sila sa isang patag, matatag na ibabaw sa lalong madaling panahon.
-
Ubo. Ang pag-ubo ay isang normal na bahagi ng sakit na ito. Ang isang malamig na mist humidifier sa gilid ng kama ay maaaring makatulong. Linisin ang humidifier araw-araw upang maiwasang magkaroon ng amag. Ang mga over-the-counter na gamot sa ubo at sipon ay hindi nakakatulong nang mas mabuti kaysa sa syrup na walang gamot dito. Maaari rin silang magdulot ng malubhang mga side effct, lalo na sa mga sanggol na mas bata sa 2 taong gulang. Huwag magbigay ng OTC na mga gamot sa ubo o sipon sa mga bata na mas bata sa edad na 6 maliban kung ang provider ng iyong anak ay partikular na pinayuhan ka na gawin .
-
Pagsisikip ng ilong. Higupin ang ilong ng mga sanggol ng bulb na hiringgilya. Maaari kang maglagay ng 2 hanggang 3 patak ng tubig-alat (saline) na pamatak sa ilong sa bawat butas ng ilong bago maghigop. Ito ay tumutulong sa panipisin at alisin ang mga likido. Ang saline na pamatak sa ilong ay magagamit nang walang reseta. Maaari ka ring gumamit ng 1/4 kutsarita ng table salt na linusaw sa 1 tasa ng tubig.
-
Lagnat. Gumamit ng acetaminophen na pambata para sa lagnat, pagkabahala, o kakulangan sa ginhawa, maliban kung ibang gamot ang inireseta. Sa mga sanggol na mas matanda na higit sa 6 na buwang gulang, maaari kang gumamit ng ibuprofen o acetaminophen ng mga bata. Kung ang iyong anak ay may malalang sakit sa atay o bato, makipag-usap sa provider ng iyong anak bago gamitin ang mga gamot na ito. Makipag-usap din sa provider kung ang iyong anak ay nay ulser sa tiyan o pagdurugo sa digestive. Huwag kailanman magbigay ng aspirin sa sinumang mas bata sa 18 taong gulang na edad na may sakit na viral infection o lagnat. Maaari itong magdulot ng matinding pinsala sa atay o utak.
-
Pag-iwas sa pagkalat. Ang paghuhugas ng iyong mga kamay bago at pagkatapos hawakan ang iyong maysakit na anak ay makakatulong na maiwasan ang isang bagong impeksiyon. Makakatulong din ito na maiwasan ang pagkalat ng viral na sakit na ito sa iyong sarili at sa iba pang mga bata. Sa isang paraang naaangkop sa edad, turuan ang iyong mga anak kung kailan, paano, at bakit huhugasan ang kanilang mga kamay. Imodelo ang tamang paghuhugas ng kamay. Hikayatin ang mga nasa hustong gulang sa iyong tahanan na maghugas ng kamay ng madalas.
Follow-up na pangangalaga
Mag-follow up sa tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan ng iyong anak, o gaya ng ipinapayo.
Kailan tatawag sa iyong doktor
Para sa karaniwang malusog na bata, tumawag sa tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan ng iyong anak kaagad kung:
-
Ang iyong anak ay may lagnat (tingnan ang Lagnat at mga bata, sa ibaba).
-
Ang iyong anak ay may pananakit sa tainga, pananakit sa sinus, paninigas o masakit na leeg, sakit ng ulo, paulit-ulit na pagtatae, o pagsusuka.
-
Ang iyong anak ay hindi karaniwan maselan.
-
Ang iyong anak ay may bagong pantal.
-
Ang iyong anak ay dehydrated, na may 1 o higit pa sa mga sintomas na ito:
-
Walang luha kapag umiiyak.
-
"Lubog" na mata o tuyong bibig.
-
Walang basang lampin para sa 8 na oras sa mga sanggol.
-
Nabawasan ang pag-ihi sa mas matandang mga bata.
Tumawag din kung ang iyong anak ay may mga bagong sintomas o ikaw ay nag-aalala o nalilito sa kalagayan ng iyong anak.
Tumawag sa 911
Tumawag sa 911 kung:
-
Ang iyong anak ay nadagdagan ang paghuni o paghirap sa paghinga.
-
May asul, lila, o gray na kulay o tint sa labi o kuko ng iyong anak.
-
Ang iyong anak ay hindi karaniwang inaantok o nalilito.
-
Ang iyong anak ay hindi tumutugon o may problema sa paggising.
-
Ang iyong anak ay may mabilis na paghinga:
-
Kapanganakan hanggang 6 na linggo: higit sa 60 na paghinga bawat minuto.
-
6 na linggo hanggang 2 taon: higit sa 45 na paghinga bawat minuto.
-
3 hanggang 6 na taon: higit sa 35 na paghinga bawat minuto.
-
7 hanggang 10 taon: higit sa 30 paghinga bawat minuto.
-
Mas matanda sa 10 taon: higit sa 25 paghinga bawat minuto.
Lagnat at mga bata
Gumamit ng digital na thermometer para suriin ang temperatura ng iyong anak. Huwag gumamit ng mercury na thermometer. Mayroong iba’t ibang uri at gamit ang mga digital na thermometer. Kabilang sa mga ito ang:
-
Puwetan. Para sa mga batang wala pang 3 taong gulang, ang temperatura sa puwetan ay ang pinakatumpak.
-
Noo (temporal). Gumagana ito para sa mga batang edad 3 buwan at mas matanda. Kung ang isang bata na wala pang 3 buwang gulang ay may mga palatandaan ng sakit, maaari itong gamitin para sa unang pass. Maaaring naisin ng provider na kumpirmahin ito gamit ang isang temperatura sa puwetan.
-
Tainga (tympanic). Ang mga temperatura ng tainga ay tumpak pagkatapos ng 6 na buwang edad, ngunit hindi bago.
-
Kili-kili (axillary). Ito ang hindi gaanong maaasahan ngunit maaaring gamitin para sa isang unang pass upang suriin ang isang bata sa anumang edad na may mga palatandaan ng sakit. Maaaring naisin ng provider na kumpirmahin gamit ang isang temperatura sa puwetan.
-
Bibig (oral). Huwag gumamit ng thermometer sa bibig sa iyong anak hangga’t hindi siya bababa sa 4 na taong gulang.
Gamitin ang rectal thermometer nang may pag-iingat. Sundin ang mga direksyon ng gumagawa ng produkto para sa tamang paggamit. Ipasok ito ng dahan-dahan. Lagyan ito ng label at siguraduhing hindi ito ginagamit sa bibig. Maaari itong makapasa ng mga mikrobyo mula sa dumi. Kung sa tingin mo ay hindi OK ang paggamit ng rectal na thermometer, tanungin ang tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan sa halip ay kung anong uri ang gagamitin. Kapag nakikipag-usap ka sa sinumang tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan tungkol sa lagnat ng iyong anak, sabihin sa kanila kung anong uri ang ginamit mo.
Nasa ibaba kung kailan tatawagan ang provider kung ang iyong anak ay may lagnat. Maaaring bigyan ka ng provider ng iyong anak ng iba't ibang mga numero. Sundin ang kanilang mga tagubilin.
Kailan tatawag sa isang provider tungkol sa lagnat ng iyong anak
Para sa isang sanggol na wala pang 3 buwang gulang:
-
Una, tanungin ang provider ng iyong anak kung paano mo dapat kunin ang temperatura.
-
Puwetan o noo: 100.4°F (38°C) o mas mataas.
-
Kili-kili: 99°F (37.2°C) o mas mataas.
-
Isang lagnat ng ___________gaya ng ipinapayo ng provider.
Para sa isang batang edad 3 buwan hanggang 36 na buwan (3 taon):
-
Puwetan o noo: 102°F (38.9°C) o mas mataas.
-
Tainga (para lamang gamitin sa edad na 6 na buwan): 102°F (38.9°C) o mas mataas.
-
Isang lagnat na ___________ ayon sa payo ng provider.
-
Kili-kili: 101°F (38.3°C) o mas mataas
Sa mga kasong ito:
-
Temperatura sa kili-kili na 103°F (39.4°C) o mas mataas sa isang bata ng anumang edad.
-
Temperatura na 104°F (40°C) o mas mataas sa isang bata sa anumang edad.
-
Isang lagnat na ___________ ayon sa payo ng tagapagkaloob.
Online Medical Reviewer:
Chris Southard RN
Online Medical Reviewer:
Marianne Fraser MSN RN
Online Medical Reviewer:
Sravani Chintapalli
Date Last Reviewed:
1/1/2025
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.