Related Reading
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Mga Pilay sa Kalamnan ng mga Braso at Binti

Isang pagkabanat at pagkapunit ng mga himaymay ng kalamnan ang pilay ng kalamnan. Nagdudulot ito ng sakit, lalo na kapag iginalaw mo ang kalamnan na iyon. Maaari ding may ilang pamamaga at pasa.

Pangangalaga sa tahanan

  • Panatilihing nakataas ang masakit na bahagi na mataas sa lebel ng puso upang mabawasan ang pananakit at pamamaga. Napakahalaga nito sa unang 48 oras.

  • Maglapat ng ice pack sa napinsalang bahagi sa loob ng 15 hanggang 20 minuto bawat 3 hanggang 6 na oras. Dapat mo itong gawin sa loob ng unang 24 hanggang 48 oras. Maaari kang gumawa ng ice pack sa pamamagitan ng paglalagay ng mga ice cube sa isang plastic bag na naisasara sa itaas at pagkatapos, balutin ito ng manipis na tuwalya. Maging maingat na hindi mapinsala ang iyong balat gamit ang mga panlunas na yelo. Hindi kailanman dapat direktang ilapat ang yelo sa balat. Ipagpatuloy ang paggamit ng mga ice pack upang mapaginhawa ang pananakit at pamamaga kung kinakailangan. Pagkatapos ng 48 hanggang 72 oras, o ayon sa itinagubilin ng iyong tagapangalaga ng kalusugan, lapatan ng init (maligamgam na shower o paligo) sa loob ng 15 hanggang 20 minuto ilang beses sa isang araw. O maaari mong pagpalitin ang yelo at init.

  • Maaari kang gumamit ng mga gamot na nabibili nang walang reseta upang makontrol ang pananakit, maliban kung may ibang iniresetang gamot. Kung mayroon kang pangmatagalang (hindi gumagaling) sakit sa atay o kidney, nagkaroon na ng ulcer sa sikmura o pagdurugo ng sikmura at bituka, o umiinom ng pampalabnaw ng dugo, makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan bago gamitin ang mga gamot na ito.

  • Para sa mga pilay ng binti: Kung ipinayo ang paggamit ng mga saklay, huwag ilagay ang buong timbang sa napinsalang binti hanggang magawa mo na ito nang walang pananakit. Maaari kang bumalik sa sports kapag kaya mo nang lumukso at tumakbo gamit ang napinsalang binti nang walang pananakit.

Follow-up na pangangalaga

Mag-follow up sa iyong tagapangalaga ng kalusugan ayon sa ipinayo.

Kailan dapat humingi ng medikal na payo

Tumawag kaagad sa tagapangalaga ng iyong kalusugan kung alinman sa mga ito ang mangyari:

  • Namamaga, nanlalamig, nagkulay asul, namamanhid, o nanginginig ang mga daliri ng paa ng napinsalang binti

  • Tumitinding pananakit o pamamaga

Online Medical Reviewer: Louise Cunningham RN BSN
Online Medical Reviewer: Raymond Turley Jr PA-C
Online Medical Reviewer: Thomas N Joseph MD
Date Last Reviewed: 4/1/2022
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer