Pananakit ng Balakang, Hindi Tiyak na Sanhi

Ang pananakit ng balakang ay sakit na nararamdaman sa pinakaibabang bahagi ng tiyan (abdomen) at sa pagitan ng mga buto sa balakang. Maaaring maganap ang pananakit nang biglaan at kamakailan lang (matindi). O maaaring tumagal ang pananakit ng 6 na buwan o mas matagal (paulit-ulit o di-gumagaling).
Maraming posibleng sanhi ng pananakit ng balakang. Maaari dahilan ng pananakit ang problema sa sistemang reproduktibo ng babae. O maaaring dahilan ang pananakit sa problema sa mga sistemang pagtunaw, pag-ihi, o sistema ng kalamnan at buto (musculoskeletal).
Batay sa iyong pagbisita ngayong araw, hindi tiyak ang eksaktong sanhi ng iyong pananakit ng balakang. Mukhang hindi seryoso ang iyong kondisyon sa panahong ito. Ngunit mahalagang patuloy mong bantayan ang anumang bagong sintomas o paglala ng iyong kondisyon.
Pangkalahatang pangangalaga
Maaaring payuhan ka ng iyong tagapangalaga ng kalusugan ng ilang paraan upang tulungan kang pamahalaan ang iyong pananakit. Kabilang sa mga ito ang:
-
Pag-inom ng gamot para sa kirot na nabibili nang walang reseta Maaari ding ireseta ang mas mataas na dosis ng gamot sa kirot, kung kinakailangan.
-
Paglalapat ng init sa bahagi ng balakang. Paggamit ng heating pad o hot pack. Maaari ding makatulong ang paliligo gamit ang mainit na tubig.
-
Pagkakaroon ng maraming pahinga.
-
Paggawa ng ilang pagbabago sa istilo ng pamumuhay. Maaaring kabilang dito ang pagsasagawa ng magandang postura at pagkakaroon ng regular na ehersisyo. Ipinakita sa mga pag-aaral na tumutulong ang mga pagbabagong ito upang mabawasan ang pananakit ng balakang sa ilang kababaihan.
-
Pagpapatingin sa physical therapist o sa espesyalista sa kirot. Maaaring talakayin sa iyo nitong mga tagapangalaga ng kalusugan ang iba pang paraan upang pamahalaan ang kirot.
-
Acupressure o acupuncture.
Follow-up na pangangalaga
Mag-follow up sa tagapangalaga ng iyong kalusugan, o ayon sa ipinayo.
Kailan dapat humingi ng medikal na payo
Tumawag kaagad sa tagapangalaga ng iyong kalusugan kung alinman sa mga ito ang mangyari:
-
Lagnat na 100.4°F o mas mataas, o ayon sa itinagubilin ng tagapangalaga ng iyong kalusugan
-
Mas lumubha ang pananakit o nagkaroon ka ng biglaan at matinding pananakit o bagong pananakit
-
Pagkahilo, pagsusuka, pamamawis, o di-mapalagay
-
Pagkahilo o pagkahimatay
-
Hindi normal na pagtagas sa puwerta
-
Hindi normal na pagdurugo sa puwerta
Online Medical Reviewer:
Daniel N Sacks MD
Online Medical Reviewer:
Donna Freeborn PhD CNM FNP
Online Medical Reviewer:
Heather Trevino
Date Last Reviewed:
6/1/2020
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.