Related Reading
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Pinsala sa ulo (Adulto)

Mayroon kang pinsala sa ulo. Sa pagkakataong ito tila hindi naman ito malubha. Pero maaaring lumitaw sa kalaunan ang mga sintomas ng mas malubhang problema, tulad ng katamtamang pinsala sa utak (pagkaalog), o pagkapasa o pagdurugo sa utak. Dahil dito, ikaw o isa na nag-aalaga sa iyo ay kailangang magbantay ng mga sintomas na nakatala sa ibaba. Kapag nasa bahay ka, tiyakin din na sundin ang anumang mga tagubilin sa pangangalaga na ibinigay sa iyo.

Pangangalaga sa tahanan

Magbantay para sa mga sumusunod na sintomas

Humingi ng emergency na pangangalagang medikal kung mayroon ka ng mga ganitong sintomas sa mga susunod na oras o araw: 

  • Pananakit ng ulo na lumalala o hindi nawawala

  • Pagkahilo o pagsusuka

  • Pagkahilo

  • Pagiging sinsitibo sa liwanag o ingay

  • Hindi pangkaraniwang pagkaantok o pagkagrogi

  • Hirap makatulog

  • Pagbabago sa personalidad

  • Pagbabago sa paningin

  • Pagkawala ng alaala

  • Pagkatuliro

  • Hirap na paglalakad o malamya

  • Pagkawala ng malay (kahit pa maikling sandali lang)

  • Walang kakayahang gumising nang mag-isa

  • Paninigas ng leeg

  • Panghihina o pamamanhid sa alinmang bahagi ng katawan

  • Pangingisay

Pangkalahatang pangangalaga

  • Kung niresetahan ka ng mga gamot para sa kirot, gamitin ito ayon sa itinagubilin. Tandaan: Huwag iminom ng ibang mga gamot para sa kirot nang hindi muna nakikipag-usap sa iyong provider.

  • Para matulungang mabawasan ang pamamaga at kirot, lapatan ng malamig na bagay sa bahaging napinsala nang hanggang 20 minuto sa bawat pagkakataon. Gawin ito nang madalas tulad ng itinagubilin. Gumamit ng cold pack (malamig na pakete) o bag ng yelo na binalot sa manipis na tuwalya. Huwag na huwag maglalagay ng malamig na bagay nang direkta sa balat.

  • Kung ikaw ay may mga hiwa o galos na resulta ng iyong pinsala sa ulo, gamutin ito ayon sa itinagubilin.

  • Sa susunod na 24 oras (o mas matagal pa, kung tinagubilinan):

    • Huwag uminom ng alak o gumamit ng mga pampakalma o iba pang mga gamot na nakapagpapaantok sa iyo.

    • Huwag magmaneho o gumamit ng mga makinarya.

    • Huwag gumawa ng mahihirap na gawain tulad ng pagbubuhat ng mabibigat o pagsasanay.

    • Limitahan ang mga gawain na nangangailangan ng konsentrasyon. Kasama dito ang pagbabasa, gamit ang smartphone o computer, panonood ng TV, at paglalaro ng video games.

    • Huwag bumalik sa mga isport o iba pang aktibidad na maaaring magdulot ng ibang pinsala sa ulot hanggang sa pahintulutan ng iyong tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan.

Follow-up na pangangalaga

Mag-follow-up sa iyong tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan, o tulad ng itinagubilin. Kung may ginawang mga imaging test, susuriin ng doktor ang mga ito. Sasabihan ka ng mga resulta at kung may anumang bagong natagpuan na makakaapekto sa iyong pangangalaga.

Kailan dapat humingi ng medikal na pagpapayo

Tumawag kaagad sa tagapangalaga ng iyong kalusugan kung alinman sa mga ito ang mangyari:

  • Kirot na hindi humuhupa o lalong lumalala

  • Bago o lumalalang pamamaga o pasa

  • Lumala na pamumula, mainit, may tumatagas, o dumudugo mula sa bahaging napinsala

  • Paglabas ng likido o pagdurugo na lumalabas sa ilong o mga tainga

  • Anumang lubog o mabutong abnormalidad sa bahaging napinsala

  • Paulit-ulit na pagkatuliro o pagkatamlay

  • Pagbabago sa personalidad

  • Pasa sa likod ng mga tainga o pasa sa palibot ng mga mata

Online Medical Reviewer: Joseph Campellone MD
Online Medical Reviewer: Marianne Fraser MSN RN
Online Medical Reviewer: Raymond Kent Turley BSN MSN RN
Date Last Reviewed: 11/1/2020
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer