Lagnat Na Karamdaman, Hindi Alam ang Dahilan (Bata)
Mayroong lagnat ang iyong anak, ngunit hindi alam kung ano ang dahilan. Natural na reaksyon ng katawan ang lagnat sa isang karamdaman, kagaya ng mga impeksyon sanhi ng isang virus o bacteria. Sa karamihan ng kaso, hindi nakakasama ang mismong temperatura. Nakakatulong ito sa katawan sa katotohanan na labanan ang mga impeksyon. Hindi kinakailangang gamutin ang lagnat malibang ang iyong anak ay hindi kumportable at mukha at kumikilos na may sakit.
PANGANGALAGA SA BAHAY
-
Panatiliing kaunti lamang ang pananamit dahil kinakailangan ng init ng katawan na lumabas sa pamamagitan ng balat. Tataas ang lagnat kung dadamitan mo ng doble ang iyong anak o balutin ng kumot ang iyong anak.
-
Pinapataas ng lagnat ang pagkawala ng tubig sa katawan. Para sa mga sanggol na wala pang 1 taong gulang, ipagpatuloy ang regular na pagpapakain (formula o pagpapasuso) at magbigay ng oral rehydration solution sa pagitan ng mga pagpapakain (gaya ng Pedialyte, Infalyte, o Rehydalyte, na available sa mga grocery at drug store nang walang reseta). Para sa mga bata na 1 taong gulang o higit pa, magbigay ng maraming maiinom gaya ng tubig, juice, Jell-O water, 7-Up, ginger ale, lemonade, Kool-Aid o Popsicles.
-
Kung ayaw kumain ng iyong anak ng matitigas na pagkain, ayos lang ito sa ilang unang araw, hanggat siya ay umiinom nang marami.
-
Pagpahingahin sa bahay o tahimik na paglaruin ang mga bata na may lagnat. Hikayatin ang madalas na pag-idlip. Maaring bumalik sa daycare o paaralan ang iyong anak kapag wala na ang lagnat at magana nang kumain at mabuti na ang pakiramdam.
-
Karaniwan ang mga yugto ng hindi pagkakatulog at pagka-irita. Kung barado ang ilong ng iyong anak, subukang patulugin siya na nasusuportahan ng mga unan ang ulo at itaas na bahagi ng katawan o sa na ang bed frame sa ulunan ay nakataas sa 6-pulgadang bloke. Maaaring patulugin ang isang sanggol sa isang carseat na nakalagay sa matatag na patungan at ligtas na lugar.
-
Subaybayan kung papano kumikilos at ano ang nararamdaman ng iyong anak. Kung siya ay aktibo, alerto, at kumakain at umiinom, hindi kailangang magbigay ng gamot sa lagnat.
-
Kung nababawasan ang pagiging aktibo at mukha at kumikilos na may sakit, at ang kanyang temperatura ay 100.4ºF (38ºC) rectal o sa tainga o mas mataas, o 101.4ºF (38.3ºC) oral, maaari kang magbigay ng acetaminophen (Tylenol). Sa mga sanggol na higit 6 buwan o mas matanda, maaari kang gumamit ng ibuprofen (Children's Motrin) sa halip na acetaminophen. TANDAAN: Kung ang iyong anak ay mayroong pangmatagalang sakit sa atay o bato o nagkaroon ng ulcer sa sikmura o pagdurugo ng GI, makipag-usap sa doktor ng iyong anak bago gamitin ang mga gamot na ito. Hindi dapat gamitin ang aspirin sa sinumang may lagnat na wala pa sa edad 18. Maaari itong magsanhi ng malalang pinsala sa atay. Huwag gisingin ang iyong anak upang magbigay ng gamot sa lagnat. Kailangan ng tulog ng iyong anak upang gumaling.
MAG-FOLLOW UP gaya ng ipinapayo ng aming kawani o kung hindi bumubuti ang iyong anak pagkaraan ng 2 araw. Kung isinagawa ang pagsusuri sa dugo at ihi, tumawag sa ika-2 araw, o gaya ng ipinapayo, para sa mga resulta.
MAKAKUHA NG MABILIS NA ATENSYONG MEDIKAL kung mangyari ang alinman sa sumusunod:
-
3 buwang gulang ang iyong anak o mas bata at may lagnat na 100.4ºF (38ºC) rectal o mas mataas; huwag magmabagal dahil pwedeng isang senyales ang lagnat sa mga sanggol ng mapanganib na impeksyon
-
Hindi gumagaling ang lagnat sa isang bata na mas matanda sa 3 buwan sa loob ng 3 araw pagkaraang bigyan ng gamot sa lagnat
-
Mabilis na paghinga (kapanganakan hanggang 6 na linggo: labis sa 60 paghinga/min; 6 linggo - 2 taon: labis sa 45 paghinga/min; 3-6 taon: labis sa 35 paghinga/min; 7-10 taon: labis sa 30 paghinga/min; higit sa 10 taong gulang: mahigit 25 hininga/min)
-
Paghingang may pagsipol o hirap sa paghinga
-
Pananakit ng tainga, pananakit ng sinus, matigas o masakit na leeg, pananakit ng ulo
-
Pananakit ng tiyan o pananakit na hindi gumagaling pagkaraan ng 8 oras
-
Paulit-ulit na pagtatae o pagsusuka
-
Di karaniwang pagkadimakali, pagkaantok o pagkalito, panghihina o pagkahilo
-
Pamamantal o kulay ubeng pamamantal
-
Mga senyales ng dehydration, kabilang ang pag-iyak na walng luha, nakalubog na mata o tuyong bibig; walang basang mga diaper sa loob ng 8 oras sa mga sanggol, nabawasang dami ng ihi sa mas may edad na mga bata
-
Hapding nararamdan kapag umiihi
-
Pangingisay
Online Medical Reviewer:
Bass, Pat F. III, MD, MPH
Online Medical Reviewer:
Foster, Sara, RN, MPH
Date Last Reviewed:
4/1/2017
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.