Cervicitis (Chlamydia o Gonorrhea), Nagagamot

Ikaw ay may cervicitis. Ito ay kapag namamaga at may iritasyon sa bukana ng uterus (ang cervix). Karaniwang sanhi ito ng isang impeksyon, at kailangang gamutin.
Mga sanhi
Ang malalang cervicitis ay karaniwang sanhi ng isang impeksyon.
-
Ang impeksyon ay kadalasang impeksyon na naililipat ng pakikipagtalik (STI). Naikakalat ang mga ito ng mataas ang panganib na pakikipagtalik o ng maraming kapartner.
-
Chlamydia at gonorrhea ang 2 karaniwang STI na nagiging sanhi ng cervicitis. Ang ganitong mga STI ay lubhang nakakahawa. Maaari itong maikalat habang nakikipagtalik mula sa isang nahawang tao hanggang magpagamot ang taong iyon.
-
Kabilang sa iba pang bakterya na maaaring maging sanhi ng cervicitis Mycoplasma genitalium, trichomonas, at herpes.
Kung minsan hindi matukoy ang sanhi ng cervicitis.
Mga Sintomas
Sa simula, maaaring walang sintomas ang cervicitis o bahagya lang ang sintomas. Kapag nangyari ang mga sintomas, maaaring dumating ang mga ito nang mabilis. Ang pinakakaraniwang mga sintomas ay:
Kadalasang walang lagnat. Kung mayroon kang lagnat, maaaring palatandaan ito na kumalat na ang sakit sa mga fallopian tube at nagdulot ng pelvic inflammatory disease (PID).
Pagkaraan ng maraming araw hanggang sa ilang linggo, nawawala ang mga sintomas na ito at wala ka nang mararamdamang sintomas. Gayunman, naroon pa rin ang impeksyon at maaari mo pa ring maikalat ito sa iba.
Paggamot
Tandaan na ang cervicitis ay kadalasang resulta ng isang STI. Maaari mo itong maipasa o makakuha ka nito nang hindi mo namamalayan kung wala kang mga sintomas.
Nagdudulot man ito ng mga sintomas o hindi, mahalaga na magamot ang cervicitis. Ito ay para mapigilan ito sa pagsira ng uterus, pagkalat sa mga fallopian tube, at maging PID. Kung hindi magagamot, maaaring lumikha ng peklat sa uterus at mga fallopian tube ang chlamydia o gonorrhea. Maaaring magdulot ng pagkabaog (hindi pagkakaroon ng mga anak) ang pagkakaroon ng peklat. Pinatataas din ng PID ang panganib ng pagkakaroon ng pagbubuntis sa labas ng uterus (ectopic pregnancy) sa hinaharap.
Ang impeksyong ito ay maaaring gamutin at malunasan. Ang impeksyon ay ginagamot sa pamamagitan ng gamot na antibayotiko.
Para matukoy kung anong uri ng impeksyon ang taglay mo at makapagpasya kung anong angkop na paggagamot, maaaring gagawa ng ilang pagsusuri ang iyong tagapangalaga ng kalusugan, gaya ng:
-
Pagsusuri na Nucleic acid (DNA) para sa mga palatandaan ng mikrobyo
-
Pagsusuri ng mga sampol sa ilalim ng mikroskopyo
-
Ang mga culture, na isang sampol ng mga selula na pinalalaki at inoobserbahan sa laboratoryo
Maaaring gumugol ng ilang araw bago makapagpakita ng resulta ang pagsusuri na DNA at mga culture.
Pangangalaga sa tahanan
-
Sa sandaling ma-diagnose ang iyong kondisyon, dapat na kasabay mong gagamutin ang iyong katalik, kahit pa walang sintomas. Dapat na tawagan ng iyong katalik ang kanyang tagapangalaga ng kalusugan. O maaari siyang magtungo sa isang agarang klinika na nangangalaga o departamento ng pampublikong kalusugan para masuri at magamot. Sa ilang kaso, maaaring magreseta ang tagapangalaga ng iyong kalusugan sa iyong katalik ng antibayotiko. Tinatawag itong pinabilis na therapy sa katalik.
-
Huwag makipagtalik hanggang sa pareho kayong makatapos sa pag-inom ng antibayotikong gamot at masabihan kayo ng inyong tagapangalaga ng kalusugan na hindi na kayo nakakahawa.
-
Gamitin ang lahat ng gamot hanggang mawala ang mga ito. Kung hindi, maaaring bumalik ang sakit.
-
Matuto tungkol sa “mas ligtas na pakikipagtalik” at gamitin ang mga ito sa hinaharap. Pinakaligtas na pakikipagtalik ang sa isang kapareha na nasuring negatibo at nakikipagtalik lamang sa iyo. Maaari kang maprotektahan ng mga condom mula sa ilang STI, kabilang ang gonorrhea, chlamydia, at HIV. Ngunit hindi garantiya ang mga ito. Maaaring magandang ideya rin para sa iyo ang pag-inom ng mga gamot upang maiwasan ang HIV. Tanungin ang tagapangalaga ng iyong kalusugan kung dapat kang magsimulang uminom ng PEP (HIV post-exposure prophylaxis) o PrEP (HIV pre-exposure prophylaxis).
Follow-up na pangangalaga
Mag-follow up sa tagapangalaga ng iyong kalusugan, o ayon sa ipinayo.
-
Kung ginawa ang isang DNA na pagsusuri o culture, sasabihan ka kung kailangang baguhin ang gamutan. Maaari kang tumawag gaya ng ipinayo para malaman ang mga resulta.
-
Mag-follow up sa iyong tagapangalaga ng kalusugan o sa public health department para sa kumpletong screening ng STI, kabilang ang pagsusuri sa HIV.
Tumawag sa 911
Tumawag sa 911 kung nangyari ang alinman sa mga ito:
-
Hirap sa paghinga
-
Giniginaw o nilalagnat
-
Pananakit ng tiyan
-
Hindi makontrol na pagdurugo sa pwerta
-
Matinding pagkatuliro
-
Matinding pagkaantok o hirap gumising
-
Pagkahimatay o pagkawala ng ulirat
-
Mabilis na pintig ng puso
Kailan dapat humingi ng medikal na pagpapayo
Tumawag kaagad sa tagapangalaga ng iyong kalusugan kung alinman sa mga ito ang mangyari:
-
Hindi bumubuti pagkalipas ng 3 araw na gamutan
-
Bago o tumitinding pananakit sa ibabang bahagi ng tiyan o likod
-
Pagdurugo sa pwerta sa pagitan ng yugto ng pagreregla
-
Panghihina o pagkahilo
-
Paulit-ulit na pagsusuka
-
Hindi maka-ihi dahil sa pananakit
-
Pamamantal o pananakit ng kasu-kasuan
-
Masakit na nakabukang mga singaw sa paligid ng ari ng babae
-
Lumaki at masakit na kulani (mga lump) sa singit
-
Lagnat na 100.4ºF (38ºC) o mas mataas, o gaya ng itinagubilin ng iyong tagapangalaga ng kalusugan