Related Reading
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Chlamydia, Nagagamot (Babae)

Fallopian tube, Puwerta, Cervix, Obaryo, Uterus

Ginagamit ang mga salitang batay sa kasarian upang talakayin ang tungkol sa anatomiya at panganib sa kalusugan. Mangyaring gamitin ang impormasyong ito sa isang paraan na pinakamahusay na gumagana para sa iyo at sa iyong tagapangalaga habang pinag-uusapan ninyo ang iyong pangangalaga.

Mayroon kang impeksiyon na tinatawag na chlamydia. Isa itong impeksiyon na naipapasa sa pakikipagtalik (STI). Maaari din itong tawagin na sakit na naipapasa sa pakikipagtalik (STD). Maaari itong madaling maipasa mula sa isang tao sa isa pang tao. Naipapasa ito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kontak sa puwerta, puwit, o oral na pakikipagtalik sa isang nahawang partner. Maaaring mahawa sa chlamydia ang mga panloob na maseselang bahagi ng katawan. Ang mga ito ay ang cervix, matris, at mga fallopian tube. Maaari din nitong mahawa ang bibig, lalamunan, at puwit. Ngunit nangyayari ito nang mas madalang.

Maaaring walang sintomas ang mga babaeng may impeksiyon sa cervix. O maaaring mayroon lamang silang banayad na mga sintomas sa pagsisimula ng sakit. Kaya maaari kang makahawa ng impeksiyon nang hindi mo nalalamang mayroon ka nito.

Kapag nangyari ang mga sintomas, madalas na nagsisimula ang mga ito 2 hanggang 10 araw pagkatapos mong malantad sa chlamydia. Maaring may lumalabas sa iyong puwerta. Maaaring mayroon kang pananakit o paghapdi kapag umiihi ka. Ang impeksiyon ay tinatawag na pelvic inflammatory disease (PID) kung kumalat ito sa mga fallopian tube. Nagiging sanhi ito ng pananakit sa ibaba ng tiyan (tiyan o pelvic) at lagnat. Maaaring hindi ka magkaroon ng anak (pagkabaog) kapag hindi nagamot ang chlamydia. Ito ay dahil napipinsala nito ang mga fallopian tube. Ginagawa rin ng PID na mas malamang na magkaron ka ng tubal (ectopic) na pagbubuntis sa hinaharap. Isa itong malubhang problema sa kalusugan.

Maaaring gamutin at malunasan ang chlamydia. Ang paggamot ay sa pamamagitan ng mga gamot na tinatawag na antibiotics.

Pangangalaga sa tahanan

Sundin ang mga tagubilin na ito kapag nangangalaga sa iyong sarili sa iyong tahanan:

  • Dapat gamutin nang kasabay ang iyong katalik. Totoo ito kahit wala pa siyang sintomas. Dapat makipag-ugnayan ang iyong partner sa kanyang tagapangalaga ng kalusugan para sa paggamot. Maaari din siyang pumunta sa isang klinika ng agarang pangangalaga o sa departamento ng pampublikong kalusugan. Kung minsan, maaaring magreseta ang sarili mong tagapangalaga ng mga antibiotic para sa iyong partner. Tinatawag itong pinabilis na therapy ng partner.

  • Huwag makipagtalik hangga't pareho kayo ng iyong partner na naubos ang lahat ng antibiotic. Maghintay hanggang sabihin sa iyo ng iyong tagapangalaga ng kalusugan na magaling ka na.

  • Inumin ang lahat ng gamot hanggang maubos ang mga ito, kahit bumuti na ang iyong pakiramdam. Kung hindi, maaaring bumalik ang iyong mga sintomas at ang impeksiyon.

  • Pag-aralan ang tungkol sa ligtas na kasanayan sa pakikipagtalik at gamitin ang mga ito sa hinaharap. Pinakaligtas na pakikipagtalik ang sa isang kapareha na nasuring negatibo at nakikipagtalik lamang sa iyo. Maaaring pigilan ng condom ang pagkalat ng ilang STI. Kasama sa mga ito ang gonorrhea, chlamydia, at HIV. Gayunman, hindi garantisado ang mga condom.

  • Makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa pag-screen ng chlamydia. Pinakakaraniwan ang impeksiyon ng chlamydia sa mga taong aktibo sa pakikipagtalik 24 na taong gulang o mas bata. Sa mga kababaihan, maaari itong magdulot ng malulubhang problema tulad ng sakit na pamamaga ng pelvic, ectopic na pagbubuntis, at pagkabaog. Sa kadahilanang ito, inirerekomenda ang taunang pag-screen para sa chlamydia para sa lahat ng babaeng aktibo sa pakikipagtalik na may edad na 24 o mas bata, at sa mga babaeng may edad na 25 at mas matanda na mayroong panganib para sa impeksiyon.

Follow-up na pangangalaga

Pagsusuri ng STI

  • Mag-follow up sa iyong tagapangalaga ng kalusugan sa anumang resulta ng pagsusuri, o ayon sa ipinayo. Makipag-usap sa iyong tagapangalaga o sa iyong lokal na departamento ng kalusugan upang makatiyak na mayroon kang kumpletong pag-screen ng STI (kasama ang HIV). Tiyakin din na pinabababa mo ang iyong panganib sa mga STI, kabilang ang HIV, hangga't maaari. Kasama rito ang pagsusuri ng HIV. Tumawag sa CDC National STI Hotline sa 800-232-4636 o pumunta sa wesite ng CDC STI para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga STI.

  • Ang mga taong nagkaroon ng chlamydia ay maaaring magkaroon ng isa pang STI sa parehong pagkakataon, tulad ng gonorrhea, syphilis, o HIV. Magpasuri na ngayon para sa HIV. Kung negatibo, magpasuri ulit sa loob ng 3 buwan. Makipag-usap din sa iyong tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa kung ang pag-inom ng mga anti-HIV na gamot ay isang magandang ideya. Maaaring payuhan ka ng iyong tagapangalaga na uminom ng naturang gamot ngayon sa loob ng 28 araw o tuloy-tuloy para makaiwas ka sa pagkakaroon ng HIV.

Sabihin sa iyong partner

Siguraduhin na makipag-usap sa iyong partner tungkol sa mga STI at pagsusuri. Kung pakiramdam mo na hindi ligtas na makipag-usap nang harapan sa iyong partner tungkol sa pagsusuri, magpadala ng text o email. O tumawag na lang sa telepono. Humingi ng tulong kung hindi ka ligtas. Hikayatin ang iyong (mga) partner na magpagamot. Kung hindi, maaari nilang maipasa ang impeksiyon pabalik sa iyo o sa ibang tao.

Kung mayroon kang STI, makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa pinabilis na therapy ng partner (EPT) . Sa pamamagitan ng EPT, maaaring bigyan ka ng reseta o mga gamot na ibibigay sa iyong partner nang hindi nagpapatingin ang iyong partner sa isang tagapangalaga ng kalusugan. Available ang EPT sa maraming estado para sa ilang STI (pangunahin ang chlamydia at gonorrhea). Itanong sa iyong tagapangalaga.

Kailan hihingi ng medikal na pangangalaga

Tumawag kaagad sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung mangyari ang alinman sa mga sumusunod:

  • Mga sintomas na hindi gumagaling pagkatapos ng 3 araw na paggamot

  • Bagong pananakit sa ibaba ng iyong tiyan o likod

  • Lumalala ang pananakit sa ibaba ng iyong tiyan o likod

  • Hindi inaasahang pagdurugo sa pwerta

  • Panghihina, pagkahilo, o pagkahimatay

  • Paulit-ulit na pagsusuka

  • Hindi makaihi dahil sa pananakit

  • Pamamantal o pananakit ng kasukasuan

  • Masakit na nakabukang mga sugat sa paligid ng ari ng babae

  • Lumaki, masakit na mga bukol (mga kulani) sa iyong singit

  • Lagnat na 100.4°F (38°C) o mas mataas, o ayon sa itinagubilin ng iyong tagapangalaga ng kalusugan 

Online Medical Reviewer: Barry Zingman MD
Online Medical Reviewer: L Renee Watson MSN RN
Online Medical Reviewer: Rita Sather RN
Date Last Reviewed: 11/1/2022
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer