Related Reading
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Hika (Adulto)

Ang hika ay isang sakit kung saan humihilab ang katamtamang laki at maliliit na daanan ng hangin sa baga at nalilimitahan ang daloy ng hangin. Nagiging sanhi ang inflammation at pamamaga ng mga daluyan ng hangin ng higit pang pagkabara. Sa panahon ng pag-atake ng malubhang hika, nagdudulot ang mga sanhing ito ng problema sa paghinga, paghingangn may humuhuni, ubo, at paninikip ng dibdib.

Mga baga, Bronchiole

Maaaring magsimula ang pag-atake ng hika dahil sa maraming bagay. Kasama sa karaniwang nagpapasimula ng hika ang mga impeksiyon, gaya ng sipon, brongkitis, at pulmonya. Maaari ding magsimula ng pag-atake ang mga bagay na nagdudulot ng iritasyon gaya ng usok o mga pollutant sa hangin, napakalamig na hangin, matinding emosyon, at ehersisyo. Sa maraming adulto na may hika, maaaring magdulot ng pag-atake ng hika ang mga allergy sa alikabok, amag, pollen, at kaliskis ng hayop. Maaari ding magsimula ng pag-atake ng hika ang paglaktaw sa mga dosis ng pang-araw-araw na gamot sa hika.

Maaaring kontrolin ang hika gamit ang tamang mga gamot na inireseta ng iyong tagapangalaga ng kalusugan at paglayo mula sa nalalamang nagpapasimula kasama ang mga allergen at sanhi ng iritasyon.

Pangangalaga sa tahanan

  • Inumin ang iniresetang gamot nang eksakto ayon sa ipinayo. Humingi ng tulong sa iyong team ng tagapangalaga ng kalusugan kung mayroon kang mga tanong tungkol sa kung paano gamitin ang iyong inhaler o nebulizer.

  • Kung kailangan mo ng gamot na mabilis ang bisa, gaya ng mula sa inhaler o aerosol breathing machine (nebulizer) nang mas madalas kaysa inireseta, makipag-ugnayan sa iyong tagapangalaga ng kalusugan, o humingi kaagad ng medikal na pangangalaga.

  • Kung niresetahan ka ng antibiotic o prednisone, gamitin ang lahat ng gamot ayon sa inireseta. Ituloy ang pag-inom nito kahit pa mabuti na ang iyong pakiramdam pagkaraan ng ilang araw.

  • Huwag manigarilyo. Humingi ng mga mapagkukunan sa iyong tagapangalaga, gaya ng mga organisasyon at website para tulungan kang huminto. Lumayo mula sa usok ng ibang tao. Huwag payagan ang sinuman na manigarilyo sa iyong bahay, sa iyong kotse, o sa paligid mo.

  • Nalalaman ng ilang taong may hika na lumalala ang kanilang mga sintomas kapag uminom sila ng aspirin at nonsteroidal anti-inflammatory drugs (mga NSAID) o mga gamot na nagpapababa ng lagnat, gaya ng ibuprofen at naproxen. Makipag-usap sa iyong tagapangalaga kung sa palagay mo ay maaaring naaangkop ito sa iyo.

  • Lumayo mula sa mga nagpapasimula ng iyong hika.

Follow-up na pangangalaga

Mag-follow up sa iyong tagapangalaga ng kalusugan, o ayon sa ipinayo. Palaging dalhin ang iyong mga kasalukuyang gamot sa alinmang appointment sa iyong tagapangalaga. Dalhin din ang kumpletong listahan ng mga gamot, kahit ang mga hindi iniinom para sa hika.

Dalhin ang iyong Plano ng Pagkilos para sa Hika sa lahat ng appointment. Kung wala ka nito, makipag-usap sa iyong tagapangalaga tungkol sa paggawa ng sarili mong Plano ng Pagkilos para sa Hika.

Ipinapayo ang bakuna laban sa pulmonya (pneumococcal) at taunang bakuna sa trangkaso (tuwing taglagas). Itanong sa iyong tagapangalaga ang tungkol dito.

Kailan dapat tumawag sa iyong tagapangalaga ng kalusugan

Tumawag sa iyong tagapangalaga ng kalusugan o kumuha kaagad ng medikal na pangangalaga kung mangyari ang alinman sa mga ito: 

  • Mas madalas na paghingang may humuhuni o pangangapos ng hininga

  • Paggising sa gabi dahil sa mga sintomas ng hika

  • Kailangang gamitin ang iyong mabilis ang bisang inhaler nang mas madalas kaysa sa karaniwan nang hindi gumiginhawa

  • Lagnat na 100.4ºF (38ºC) o mas mataas, o gaya ng ipinayo ng iyong tagapangalaga

  • Pag-ubo ng maraming matingkad ang kulay o madugong plema (mucus)

  • Pananakit ng dibdib tuwing humihinga

  • Kung gumagamit ka ng peak flow meter bilang bahagi ng isang Plano ng Pagkilos para sa Hika, at nasa yellow zone ka pa rin (50% hanggang 79% ng personal na pinakamahusay) 15 minuto pagkatapos gumamit ng gamot na mabilis ang bisa na inhaler.

Tumawag sa 911

Tumawag kaagad sa 911 kung mangyari ang alinman sa mga ito:

  • Nahihirapang maglakad o magsalita dahil kinakapos ka sa hininga

  • Kung gumagamit ka ng peak flow meter bilang bahagi ng isang Plano ng Pagkilos para sa Hika, at nasa red zone ka pa rin (mababa sa 50% ng personal na pinakamahusay) 15 minuto pagkatapos gumamit ng gamot na mabilis ang bisa na inhaler

  • Nagkukulay abo, lila, o asul ang mga labi o kuko

  • Pakiramdam na mahihimatay o pagkawala ng ulirat

Online Medical Reviewer: Deborah Pedersen MD
Online Medical Reviewer: Jessica Gotwals BSN MPH
Online Medical Reviewer: Marianne Fraser MSN RN
Date Last Reviewed: 6/1/2022
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer