Related Reading
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Abscess (Paghiwa at Pagsaid ng Nana)

Tinatawag ang abscess kung minsan na pigsa. Nangyayari ito kapag nakulong ang bakterya sa ilalim ng balat at nagsimulang dumami. Namumuo ang mga nana sa loob ng abscess habang lumalaban ang katawan sa bakterya. Maaaring mangyari ang abscess sa isang kagat ng insekto, ingrown na buhok, baradong glandula ng langis, tagihawat, cyst, o malalim na sugat.

Sinaid na ng iyong tagapangalaga ng kalusugan ang nana mula sa iyong abscess. Kung malaki ang abscess pocket, maaaring naglagay ng tapal na gasa ang iyong tagapangalaga. Kakailanganing alisin o palitan ito ng iyong tagapangalaga sa susunod mong pagbisita. Maaaring naireseta ang mga antibayotiko kung kumakalat ang impeksiyon sa paligid ng sugat. Ngunit maaaring hindi mo kailanganin ang mga ito upang gamutin ang isang simpleng abscessi.

Tumatagal ng halos 1 hanggang 2 linggo para maghilom ang sugat, depende sa laki ng abscess. Tutubo ang malusog na tisyu mula sa ibaba at mga gilid ng bukana hanggang tumakip ito.

Pangangalaga sa tahanan

Makatutulong ang mga payong ito para maghilom ang sugat:

  • Maaaring maalisan ng nana ang sugat sa loob ng unang 2 araw. Takpan ang sugat ng isang malinis na tuyong tapal. Palitan ang tapal kung nababad na ito sa dugo o nana.

  • Kung nailagay sa loob ng abscess pocket ang tapal na gasa, maaari kang sabihan na ikaw mismo ang mag-alis nito. Maaari mo itong gawin sa shower. Kapag naalis na ang tapal, dapat mong hugasan ang bahagi sa shower, o linisin ang bahagi ayons sa itinagubilin ng iyong tagapangalaga ng kalusugan. Patuloy itong gawin hanggang nagsara na ang butas ng balat. Maingat na itapon ang tapal upang maiwasan ang pagkalat ng anumang impeksiyon. Siguraduhing hugasan ang iyong mga kamay pagkatapos palitan ang tapal o pagkalinis ng sugat.

  • Kung niresetahan ka ng mga antibayotiko, inumin ang mga ito ayon sa itinagubilin hanggang maubos ang mga ito.

  • Maaari kang gumamit ng acetaminophen o ibuprofen upang makontrol ang pananakit, malibang inireseta ang ibang gamot. Kung may sakit ka sa atay, o nagkaroon ng ulcer sa sikmura, makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan bago gamitin ang mga gamot na ito.

Follow-up na pangangalaga

Mag-follow up sa tagapangalaga ng iyong kalusugan, o ayon sa ipinayo. Kung nilagyan ng tapal ang iyong sugat, dapat itong tanggalin sa loob ng 1 o 2 araw, o ayon sa itinagubilin. Tingnan ang iyong sugat araw-araw para sa anumang palatandaan na maaaring lumulubha ang impeksiyon. Nakalista ang mga palatandaan sa ibaba.

Kailan dapat humingi ng medikal na payo

Tumawag kaagad sa tagapangalaga ng iyong kalusugan kung alinman sa mga ito ang mangyari:

  • Tumitinding pamumula o pamamaga

  • Mapupulang bahid sa balat mula sa sugat

  • Tuminding pananakit sa lugar o pamamaga

  • Patuloy na paglabas ng nana mula sa sugat 2 araw pagkatapos ng paggamot

  • Lagnat na 100.4ºF (38ºC) o mas mataas, o gaya ng itinagubilin ng iyong tagapangalaga ng kalusugan

  • Bumabalik ang pigsa pagkatapos ng paggamot

Online Medical Reviewer: L Renee Watson MSN RN
Online Medical Reviewer: Michael Lehrer MD
Online Medical Reviewer: Rita Sather RN
Date Last Reviewed: 2/1/2022
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer