Related Reading
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Ano ang Pang-aabuso sa Tahanan?

Sa bawat araw, may mga tao anuman ang edad, lahi, at antas ng kita na sinasaktan ng mga malapit sa kanila. Kilala ang pang-aabuso sa tahanan sa pamamagitan ng ilang iba pang termino, kabilang ang pang-aabuso sa relasyon, karahasan ng kinakasama, at pang-aabuso sa pakikipag-date. Ito ay kapag ang isang nang-aabuso ay nagsisikap na gumamit ng kapangyarihan at kontrol sa isang biktima. Ang mga kababaihan at mga bata ang madalas na mga target. Kung inaabuso ka, ngayon ang panahon para magplano at maghanda para sa isang bagong buhay. Sa pamamagitan ng impormasyon at suporta, masisimulan mo ang paglalakbay. Kung ikaw, ang isang kaibigan, o miyembro ng pamilya ay inaabuso, may mahihinging tulong.

Paano nangyayari ang pang-aabuso sa tahanan

  • Maaaring gawin sa iyo ang pananakit sa katawan. Maaari itong magmula sa panunulak o pananampal hanggang sa mga nabaling buto, pananakal, o sapilitang pakikipagtalik.

  • Maaari kang subukang kontrolin ng nang-aabuso sa iyo sa pamamagitan ng pagbubukod sa iyo. Maaaring ilayo ka mula sa iyong mga kaibigan at miyembro ng pamilya. Maaaring hindi ka makagamit ng pera.

  • Maaaring gulatin o takutin ka ng nang-aabuso sa iyo. Maaari kang bantaan ng pananakit ng katawan o pagkawala ng iyong mga anak. Maaaring magbanta ng pananakit sa iba pang miyembro ng pamilya o alagang hayop ang nang-aabuso sa iyo.

  • Maaring makasira ang mga berbal na insulto sa iyong paniniwala sa iyong sarili. Maaari kang bansagan ng iba't ibang pangalan, maliitin, ligaligin, o sisihin nang walang dahilan. Maaari kang akusahan ng nang-aabuso sa iyo o ang iyong pag-uugali na nagiging sanhi ng kanyang karahasan. Maaari kang manipulahin ng nang-aabuso sa iyo sa punto na kinukuwestiyon mo ang iyong sariling mga damdamin, likas na ugali, at katinuan (gaslighting). Nagbibigay sa nang-aabuso ng malaking kapangyarihan ang emosyonal na pagsira sa isang biktima sa ganitong paraan. Halimbawa, maaaring pagdudahan ng nang-aabuso sa iyo ang iyong alaala ng mga pangyayari, kahit naaalala mo ang mga ito nang tumpak, o tanggihan ang mga bagay katulad ng mga pangakong ginawa sa iyo.

Ang pattern ng pang-aabuso

Kung ikaw ang target ng pang-aabuso, maaaring lumipas ang mga araw o linggo sa pagitan ng mga pag-atake. Ngunit maaari kang makapansin ng mapanganib na pattern na umuulit:

  • Umaatake ang nang-aabuso sa iyo sa pamamagitan ng mga salita o aksyon.

  • Manghihingi ng patawad ang nang-aabuso sa iyo at maaaring mangako na magbabago.

  • Magsisimulang kumilos nang nakahihindik, galit, o depressed ang nang-aabuso sa iyo. Ang mga ito ang mga palatandaan na muling magsisimula ang pang-aabuso.

Online Medical Reviewer: L Renee Watson MSN RN
Online Medical Reviewer: Marianne Fraser MSN RN
Online Medical Reviewer: Paul Ballas MD
Date Last Reviewed: 12/1/2022
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer