Laserasyon sa Labi o Bibig (Bata)
Ang laserasyon ay hiwa sa balat. Kung ang hiwa ay sa labas ng labi, maaari itong isara gamit ang pagtatahi, teyp na pangoperasyon o pandikit ng balat. Ang mga hiwa sa loob ng bibig ay maaaring tahiin o hayaang nakabuka depende sa sukat. Kapag gumamit ng tahi sa bibig, ang mga ito ay karaniwang natutunaw.
Isang bakuna para sa tetano ang maaaring ibigay kung ang iyong anak ay hindi pa nabakunahan nito at ang bagay na nakasugat ay maaaring may tetano.
Pangangalaga sa Tahanan
-
Maaaring magreseta ng antibayotikong iniinom ang tagapangalaga ng kalusugan. Ito ay upang makatulong na iwasan ang impeksyon. Sundin ang lahat ng tagubilin sa pagbibigay ng gamot na ito sa iyong anak. Siguraduhing iinumin ng iyong anak ang gamot araw-araw hanggang sa maubos ito o sinabihan ka na ihinto ito. Kung ang iyong anak ay may pananakit, bigyan siya ng gamot para dito ayon sa ipinayo ng kaniyang tagapangalaga. Huwag bigyan ng aspirin ang iyong anak maliban na lamang kung sinabihan ka na gawin ito. Don’t give your child any other medicine without first asking the provider. Huwag bigyan ng ibang gamot ang iyong anak ng hindi muna tinatanong sa kaniyang tagapangalaga.
-
Sundin ang mga tagubilin ng tagapangalaga ng kalusugan ukol sa pangangalaga ng isang hiwa.
-
Hugasan ang iyong kamay gamit ang sabon at maligamgam na tubig bago at matapos pangalagaan ang iyong anak. Ito ay upang makatulong na iwasan ang impeksyon.
-
Iwanan ang orihinal na benda sa lugar ng 24 oras. Palitan ito kapag nabasa o madumi na. Pagkatapos ng 24 oras, palitan ito isang beses sa isang araw o ayon sa tagubilin.
-
Linisin ang sugat araw araw. Una, tanggalin ang benda. Tapos ay marahang hugasan ang dako gamit ang sabon at maligamgam na tubig, o ayon sa tagubilin ng tagapangalaga ng iyong anak. Gumamit ng basing bulak upang tanggalin ang dikit at anumang dugo o langib na namuo. Matapos linisin, maglagay ng manipis na antibayotikong pamahid kung ito ay ipinayo. Saka lagyan ng bagong bendahe.
-
Pangangalaga sa mga tahi: Linisin ang sugat araw araw. Una, tanggalin ang benda. Tapos ay marahang hugasan ang dako gamit ang sabon at maligamgam na tubig, o ayon sa tagubilin ng tagapangalaga ng iyong anak. Gumamit ng basing bulak upang tanggalin ang dikit at anumang dugo o langib na namuo. Matapos linisin, maglagay ng manipis na antibayotikong pamahid kung ito ay ipinayo. Saka lagyan ng bagong bendahe. Kung ginamitan ng tahi sa loob ng bibig, malamang na hindi na nila kailangan tanggalin. Matutunaw na ito ng kusa. Sasabihin sa iyo ng tagapangalaga ng kalusugan kung gaano ito katagal. Maaaring maligo ang iyong anak katulad ng dati matapos ang unang 24 oras, ngunit huwag hayaang ilublob ng iyong anak ang kaniyang ulo o lumangoy hanggang hindi pa natatanggal ang mga tahi.
-
Pangangalaga sa teyp na pangoperasyon: Panatilihing tuyo ang dako: Kung mabasa ito, dampian ng tuyo at malinis na tuwalya. Ang surgical tape ay kadalasan natatanggal sa loob ng 7 hanggang 10 araw. Kung ito ay hindi matanggal matapos ang 10 araw, maaaring ikaw na ang magtanggal nito. Lagyan ng mineral na langis o petroleum jelly ang isang piraso ng bulak at marahang kuskusin ang teyp hanggang sa matanggal ito.
-
Pangangalaga ng pandikit sa balat: Huwag lagyan ng anumang likido o pamahid ang sugat habang nakalagay ang pandikit ng balat. Huwag linisin ang sugat gamit ang peroxide at huwag pahiran ng gamot. Huwag maglagay ng tape direkta sa ibabaw ng film. Iwasang gumawa ang iyong anak ng mga aktibidad na nagdudulot ng labis na pagpapawis. Protektahan ang sugat mula sa sikat ng araw. Ang pandikit ay dapat matanggal sa loob ng 5 hanggang 10 araw. Kung ito ay hindi matanggal matapos ang 10 araw, maaaring ikaw na ang magtanggal nito. Maglagay ng mineral na langis o petroleum jelly sa isang piraso ng bulak at marahang kuskusin ang pandikit hanggang matanggal ito.
-
Suriin ang sugat ng iyong anak araw-araw para sa mga senyales ng impeksyon na nakalista sa ibaba.
-
Siguraduhing hindi kakamutin, kukuskusin o kukutkutin ng iyong anak ang sugat o pinangsara nito. Maaaring kailanganing magsuot ng guwantes ang isang sanggol.
-
Iwasang ibabad ang hiwa sa tubig. Paliguan ang anak gamit ang shower o spongha sa halip na maligo sa tub. Huwag hayaang lumangoy ang iyong anak.
Espesyal na pangangalaga sa mga sugat sa bibig
-
Upang ibsan ang kawalang ginhawa, maaari kang gumamit ng gel na pampamanhid. Mabibili ito sa mga botika at pamilihan. Ilagay ang gel sa sugat gamit ang bulak na pamahid o malinis na daliri.
-
Siguraduhing umiinom padin ng sapat na likido ang iyong anak kahit na may sugat sa bibig. Ito ay upang maiwasan ang dehydration. Ang malalamig na inumin o mga popsicle ay maaaring mas madaling tiisin ng iyong anak.
-
Bigyan ng malalambot na pagkain ang iyong anak upang maiwasan ang pananakit habang kumakain. Huwag magbigay ng mga pagkaing maaaring makapagdulot ng pananakit, tulad ng maaalat at maasim na pagkain.
-
Pagkatapos kumain, pamumugin ng maligamgam na tubig ang iyong anak.
Follow-up na pangangalaga
Bumalik sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak. Kung ibinilin, magtakda ng isang araw ng pagbalik sa kaniyang tagapangalaga upang tanggalin ang mga tahi.
Kailan dapat humingi ng medikal napagpapayo
Tawagan kaagad ang tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak kung alinman sa mga ito ang mangyari:
-
Ang sugat ay dumudugo ng higit sa kaunti o hindi tumitigil sa pagdurugo
-
Senyales ng impeksyon:
-
Tumitinding pananakit sa sugat (ang mga sanggol ay maaaring magpakita ng pananakit sa pamamagitan ng pagiyak o pagiging maselan na hindi mapahinahon)
-
Tumitinding pamumula o pamamaga ng sugat
-
Nana o mabahong amoy mula sa sugat
-
Lagnat na100.4°F (38ºC) pataas o ayon sa ibinilin ng tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak
-
Sugat na bumubukang muli
-
Ang tahi o teyp na pangoperasyon ay natanggal ng wala pang 5 araw
-
Nagiibang kulay ng sugat
-
Pamamanhid sa paligid ng sugat
Online Medical Reviewer:
Bass, Pat F. III, MD, MPH
Online Medical Reviewer:
Fraser, Marianne, MSN, RN
Date Last Reviewed:
8/1/2017
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.