Pagsusuri ng Sugat, Walang Impeksyon
Gumagaling ang iyong sugat gaya ng inaasahan. Walang mga senyales ng impeksyon.
Pangangalaga sa tahanan
Ipagpatuloy ang pangangalaga sa iyong sugat ayon sa bilin.
-
Takpan ang iyong sugat ng benda, maliban na lamang kung sinabihan ka ng tagapangalaga ng iyong kalusugan na huwag takpan ito.
-
Marahang linisin ang iyong sugat gamit ang banayad na sabon at tubig kapag naliligo ka. Marahang hugasan ang bahagi. Huwag itong kuskusin,
-
Maliban na lamang kung iba ang sinabi sa iyo, iwasan ang paglangoy at paliligo sa batya hanggang sa gumaling na ang iyong sugat.
Follow-up na pangangalaga
Mag-follow-up sa iyong tagapangalaga ng kalusugan ayon sa ipinayo.
-
Kung ikaw ay may tahi o staple, bumalik sa iyong tagapangalaga ayon sa ibinilin upang tanggalin ang mga ito. Kapag hindi natanggal ang mga ito sa tamang panahon, magiging mas mahirap na silang tanggalin at mas malala ang pagpepeklat. Maaari ding magkaroon ng impeksyon.
-
Kung mga strip ng tape na pang-operasyon ang ginamit, maaaring ikaw mismo ang magtanggal ng mga ito kung hindi pa natanggal ang mga ito sa loob ng 7 hanggang 10 araw matapos ikabit.
Kailan hihingi ng medikal na payo
Tumawag kaagad sa tagapangalaga ng iyong kalusugan kung alinman sa mga ito ang mangyari:
-
Lagnat na 100.4ºF (38ºC) o mas mataas, o gaya ng itinagubilin ng iyong tagapangalaga ng kalusugan
-
Mga sintomas ng impeksyon sa sugat. Kabilang sa mga ito ang:
-
Lumulubha ang pamumula o pamamaga sa paligid ng sugat
-
Pag-init sa paligid ng sugat
-
Bagong kirot o lumalala ang kirot
-
Mapupulang marka sa paligid ng sugat
-
Lumalabas na nana
-
Mabahong amoy na lumalabas sa sugat
-
Pagdurugo mula sa sugat na hindi humihinto kapag nilagyan ng direktang puwersa
-
Lumabas kaagad ang mga tahi o staple
-
Bumubuka ang sugat
Online Medical Reviewer:
Jonas DeMuro MD
Online Medical Reviewer:
Maryann Foley RN BSN
Online Medical Reviewer:
Rita Sather RN
Date Last Reviewed:
11/1/2021
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.