Pantal na Sanhi ng Virus (Bata)
Ang iyong anak ay na-diagnose na may pantal na sanhi ng virus. Ang pantal ay isang iritasyon ng balat na maaaring magdulot ng pamumula, mga tagihawat, bukol, o paltos. Maraming iba't ibang bagay ang maaaring maging sanhi ng pantal. Sa mga bata, ang impeksiyong sanhi ng virus ay isa sa pinakakaraniwang dahilan ng mga pantal. Anumang bagay mula sa sipon hanggang sa tigdas ay maaaring magdulot ng pantal sanhi ng virus. Ang mga pantal na sanhi ng virus ay hindi reaksyon sa allergy. Resulta ang mga ito ng impeksiyon. Hindi katulad ng isang reaksyon sa allergy, ang mga pantal na sanhi ng virus ay karaniwang hindi nagdudulot ng pangangati o pananakit.
Madalas na nawawala ang mga pantal na sanhi ng virus pagkatapos ng ilang araw. Ngunit maaaring tumagal ang mga ito ng hanggang 2 linggo. Ang mga antibayotiko ay hindi ginagamit para gamutin ang mga pantal na sanhi ng virus.
Mga sintomas
Ang mga pantal na sanhi ng virus ay maaaring sabayan ng alinman sa mga sumusunod na sintomas:
Kung minsan, ang mas matinding impeksiyon ay maaaring magmukhang pantal na sanhi ng viirus sa unang ilang araw ng sakit. Kaya mahalagang bantayan ang mga babala na nakalista sa ibaba.
Pangangalaga sa tahanan
Ang sumusunod ay makatutulong na pangalagaan ang iyong anak sa bahay:
-
Mga likido. Lagnat at mga pantal na parehong dinadagdagan ang pagkawala ng tubig sa katawan. Para sa mga sanggol na wala pang 1 taong gulang, ipagpatuloy ang regular na pagpapakain (formula o sa suso). Magbigay ng oral rehydration solution (ORS) sa pagitan ng mga pagpapakain. Maaari kang makabii ng ORS sa karamihang grocery at botika nang walang reseta. Para sa mga batang mas matanda sa 1 taong gulang, bigyan ng maraming likido tulad ng tubig, juice, gelatin na tubig, soda na lemon-lime, salabat, lemonada, o Popsicles.
-
Pagpapakain. Kung ayaw kumanin ng iyong anak ng matigas na pagkain, OK lang ito sa loob ng ilang araw, hangga't umiinom siya ng maraming likido.
-
Aktibidad. Panatilihing nasa bahay ang iyong anak na may lagnat o maglaro nang tahimik. Himukin ang madalas na pag-idlip. Maaari nang bumalik sa daycare o sa paaralan ang iyong anak kapag wala nang lagnat at nakakakain na siya nang mabuti at mabuti na ang pakiramdam.
-
Pagtulog. Ang mga yugto ng hindi pagkatulog at pagiging iritable ay karaniwan. Bigyan ang iyong anak ng maraming oras para matulog.
-
Lagnat. Gumamit ng acetaminophen para sa lagnat, pagiging maselan, o kawalan ng ginhawa. Sa mga sanggol na mas matanda sa 6 na buwan ang edad, maaari mong gamitin ang ibuprofen sa halip na acetaminophen. Makipag-usap sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak bago ibigay ang mga gamot na ito kung mayroong pangmatagalang sakit sa atay o kidney ang iyong anak. Makipag-usap din sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak kung nagkaroon ng ulser sa sikmura o pagdurugo sa GI ang iyong anak. Hindi dapat gamitin ang aspirin sa sinumang may lagnat na wala pa sa edad 18 na may sakit na may lagnat. Maaari itong magresulta sa isang malubhang kondisyon na tinatawag na Reye syndrome na nagdudulot ng malubhang pinsala sa atay at utak.
Follow-up na pangangalaga
Mag-follow-up sa iyong tagapangalaga ng kalusugan, o gaya ng ipinapayo.
Kailan dapat humingi ng medikal na payo
Madalas na nawawala ang mga pantal na sanhi ng virus pagkatapos ng ilang araw. Ngunit maaaring tumagal ang mga ito ng hanggang 2 linggo. Habang nagpapagaling ang iyong anak, tumawag sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak o kumuha kaagad ng medikal na pangangalaga kung mangyari ang alinman sa mga ito:
-
Nakaaapekto ang pantal sa mga mata, bibig, o ari
-
Mas lumulubha ang pantal sa halip na bumuti sa loob ng ilang araw
-
Mas nagkakasakit ang iyong anak sa halip na mas gumaling
-
Lagnat (tingnan ang "Lagnat at mga bata" sa ibaba)
-
Mabilis na paghinga. Nangangahulugan ito na mas marami sa 40 paghinga bawat minuto para sa mga bata na wala pang 3 buwang gulang, o higit sa 30 paghinga bawat minuto para sa mga batang higit sa 3 buwang gulang.
-
Paghingasing o hirap sa paghinga
-
Pananakit ng tainga, pananakit ng sinus, paninigas o pananakit ng leeg, pananakit ng ulo, paulit-ulit na pagtatae o pagsusuka
-
Nagiging matingkad na lila ang pantal
-
Mga senyales ng pagkawala ng tubig sa katawan. Kabilang sa mga ito ang walang luha kapag umiiyak, mga nakalubog na mata o nanunuyong bibig, hindi nababasa ang mga diaper sa loob ng 8 oras sa mga sanggol, nabawasang dami ng pag-ihi sa malalaking bata, o labis na pagkaantok.
Lagnat at mga bata
Gumamit ng digital na thermometer para suriin ang temperatura ng iyong anak. Huwag gumamit ng mercury thermometer. Mayroong iba't ibang uri at gamit ang mga digital na thermometer. Kabilang sa mga ito ang:
-
Sa puwit. Para sa mga batang wala pang 3 taong gulang, pinakatumpak ang temperatura sa puwit.
-
Noo (temporal). Gumagana ito sa mga batang nasa edad 3 buwan at mas matanda. Kung may mga senyales ng sakit ang batang wala pang 3 buwang gulang, maaari itong magamit bilang unang pass. Maaaring nais kumpirmahin ito ng tagapangalaga gamit ang temperatura sa puwit.
-
Tainga (tympanic). Tumpak ang temperatura sa tainga pagkatapos ng edad na 6 na buwan, ngunit hindi bago ang edad na ito.
-
Kili-kili (axillary). Ito ay hindi gaanong maaasahan ngunit maaaring magamit para sa unang pass upang tingnan ang batang anuman ang edad na may mga palatandaan ng sakit. Maaaring nais kumpirmahin ito ng tagapangalaga gamit ang temperatura sa puwit.
-
Bibig (oral). Huwag gumamit ng thermometer sa bibig ng iyong anak hanggang siya ay hindi bababa sa 4 na taong gulang.
Gamitin ang thermometer sa puwit nang maingat. Sundin ang mga direksyon ng gumagawa ng produkto para sa tamang paggamit. Dahan-dahan itong ipasok. Pangalanan ito at tiyaking hindi ginagamit sa bibig. Maaari din itong magpasa ng mga mikrobyo mula sa dumi. Kung hindi ka OK sa paggamit ng thermometer sa puwit, itanong sa tagapangalaga ng kalusugan kung anong uri ang gagamitin sa halip. Kapag makikipag-usap ka sa sinumang tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa lagnat ng iyong anak, sabihin sa kanya kung anong uri ang ginamit mo.
Nasa ibaba ang mga patnubay upang alamin kung may lagnat ang iyong maliit na anak. Maaari kang bigyan ng tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak ng iba’t ibang numero para sa iyong anak. Sundin ang mga partikular na tagubilin ng iyong tagapangalaga.
Mga sukat ng lagnat para sa sanggol na wala pang 3 buwang gulang:
-
Una, itanong sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak kung paano mo dapat kuhanin ang temperatura.
-
Puwit o noo: 100.4°F (38°C) o mas mataas
-
Kilikili: 99°F (37.2°C) o mas mataas
Mga sukat ng lagnat para sa batang edad 3 buwan hanggang 36 na buwan (3 taon):
-
Puwit, noo, o tainga: 102°F (38.9°C) o mas mataas
-
Kilikili: 101°F (38.3°C) o mas mataas
Tumawag sa tagapangalaga ng kalusugan sa mga kasong ito:
-
Temperatura na paulit-ulit na 104°F (40°C) o mas mataas sa isang bata anuman ang edad
-
Lagnat na 100.4°F (38°C) o mas mataas sa sanggol na mas bata sa 3 buwan
-
Lagnat na tumatagal ng lampas sa 24 na oras sa batang wala pang 2 taong gulang
-
Lagnat na tumatagal ng 3 araw sa batang 2 taong gulang o mas matanda