Health Encyclopedia
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Peripheral Neuropathy

Ang peripheral neuropathy ay pangkat ng mga sintomas dulot ng pagkasira ng mga peripheral nerve. Ang mga ugat na ito ay nasa mga bahagi ng katawan na lampas sa utak at spinal cord. Kadalasang nakaaapekto ang kondisyon sa mga braso o binti. Nagdudulot ito ng pagbabago sa nararamdaman ng katawan. Kasama sa mga sintomas ang panghihina ng mga kalamnan, pangingilig, pamamanhid, o agarang pananakit. Maaaring ma maramdaman ang mga sintomas kung gabi. Maaaring masyadong sensitibo ang balat mo sa kaunting dampi o mga pagbabago ng temperatura.

Ang peripheral neuropathy ay maaaring dulot ng:

  • Mga komplikasyon mula sa matinding sakit tulad ng diabetes

  • Mga impeksiyong dulot ng mga virus o bakterya

  • Mga karamdaman sa autoimmune

  • Kanser

  • Mga gamot na chemo para sa lunasan ang kanser

  • Mga pinsala

Maaari ding humantong sa ganito ang kakulangan sa ilang bitamina. Maaari ding sanhi ito ng pagkalantad sa ilang ipinagbabawal na droga o kemikal. Nasa lahi ng mga pamilya (namamana) ang ilang anyo ng neuropathy .

Pangangalaga sa tahanan

  • Sabihin sa iyong tagapangalaga ng kalusugan ang tungkol sa lahat ng gamot na iniinom mo. Kasama ang mga bitamina, herbal, gamot na inirereseta at nabibili ng walang reseta. Tanungin kung may alinman sa mga gamot ang maaaring nagdudulot sa iyo ng mga problema. Huwag gumawa ng anumang pagbabago sa mga inireresetang gamot nang hindi muna nakikipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan.

  • Maaari kang resetahan ng mga gamot para makatulong na mabawasan ang nakakakiliting pakiramdam o para sa pananakit. Inumin ang lahat ng gamot ayon sa itinagubilin.

  • Mas malamang na mapinsala ang manhid na kamay o paa. Para matulungang maprotektahan ito:

    • Laging gumamit ng gwantes na pang-oven.

    • Suriin ang temperatura ng tubig gamit ang hindi apektadong kamay o paa.

    • Mag-ingat kapag nagpuputol ng mga kuko. Lihain ang matatalas na bahagi.

    • Magsuot ng sapatos na kasyang-kasya upang maiwasan ang mga bahaging napupuwersa, paltos, at ulser.

    • Suriing mabuti ang iyong mga kamay at paa nang di-bababa sa minsan sa isang linggo. Kasama rito ang mga talampakan ng iyong mga paa at sa pagitan ng mga daliri ng paa. Kung may makitang mapulang bahagi, sugat, o iba pang problema, sabihin sa iyong tagapangalaga ng kalusugan.

Follow-up na pangangalaga

Mag-follow up sa iyong tagapangalaga ng kalusugan ayon sa ipinayo. Maaaring kailanganin mo ng mga karagdagang test o pagsusuri.

Kailan hihingi ng medikal na payo

Tumawag kaagad sa tagapangalaga ng iyong kalusugan kung alinman sa mga sumusunod ang mangyari:

  • Pamumula, pamamaga, pagbitak, o sugat sa alinman sa manhid na bahagi, lalo na sa paa

  • Mga bagong sintomas ng pamamanhid o pamamanhid at panghihina ng kalamnan

  • Kawalan ng kontrol sa pagdumi o sa pantog

  • Malabong pagsasalita, pagkatuliro, hirap sa pagsasalita, paglakad o paningin

Online Medical Reviewer: Joseph Campellone MD
Online Medical Reviewer: Raymond Kent Turley BSN MSN RN
Online Medical Reviewer: Rita Sather RN
Date Last Reviewed: 11/1/2021
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer