Impeksyon Sa Labas Ng Tainga (Bata)

Isa itong impeksyon butas ng tainga dahil sa pagdami ng bacteria o fungus. Nangyayari ito kadalasan ilang araw pagkaraang pumasok ang tubig sa tainga (paglangoy o paliligo), o pagkaraang sobrang lalin na nilinis ang butas ng tainga gamit ang cotton swab o ibang bagay. Maaari ding sanhi ito ng isang kakaibang bagay sa butas ng tainga.
Maaaring mayroong pangangait, pamumula, pagtulo, o pamamaga ng butas ng tainga at pansamantalang kawalan ng pandinig.
PANGANGALAGA SA BAHAY:
-
Huwag subukang linisin ang butas ng tainga. Maaaring itulak nito papasok ang nana at bacteria sa loob ng butas ng tainga.
-
Gamitin ang ipinayong mga pamatak upang mabawasan ang pamamaga at gamutin ang impeksyon. Kung naglagay ng EAR WICK sa butas ng tainga, magpatak ng direkta sa dulo ng wick. Dadalhin ng wick ang gamot sa loob ng butas ng tainga kahit pa ito sumara sa pamamaga.
-
Huwag hayaan ang tubig na pumasok sa tainga kapag naliligo. Bawal ang lumangoy sa mga panahong ito.
-
Maaaring ilagay ang isang bulak sa labas ng tainga upang masipsip ang anumang tumutulo.
-
Maaaring gumamit ang iyong anak ng acetaminophen (Tylenol) upang makontrol ang pananakit, malibang ipinayo ang ibang gamot sa pananakit. Sa mga batang higit sa 6 na buwan ang edad, maaari kang gumamit ng ibuprofen (Children's Motrin) sa halip na Tylenol. [TANDAAN: Kung ang iyong anak ay mayroong pangmatagalang sakit sa atay o bato o nagkaroon ng ulcer sa sikmura o pagdurugo ng GI, makipag-usap sa iyong doktor bago gamitin ang mga gamot na ito.] (Hindi dapat gamitin ang aspirin sa sinumang may lagnat na wala pa sa edad 18. Maaari itong magsanhi ng malalang pinsala sa atay.)
PAG-IWAS SA MGA IMPEKSYON SA HINAHARAP:
Kadalasang naiiwasan ang problemang ito sa paggamit ng pamatak sa tainga na nagtatanggal ng tubig mula sa butas ng iyong tainga kapag nararamdaman mong may di-maalis na tubig doon. Available ang mga pamatak na ito nang over-the-counter (Swim Ear, Aqua Ear at iba pang mga tatak).
MAG-FOLLOW UP sa iyong doktor o sa pasilidad na ito sa loob ng isang linggo o gaya ng ipinapayo ng aming staff.
MAKAKUHA NG MABILIS NA ATENSYONG MEDIKAL kung mangyari ang alinman sa sumusunod:
-
Tumitindi ang pananakit ng tainga o hindi nagsisimulang bumuti pagkaraan ng limang araw ng paggagamot
-
Nangyayari o tumitindi ang pamumula o pamamaga ng lbas ng tainga.
-
Pananakit ng ulo, sinus o leeg o paninigas ng leeg
-
Hindi karaniwang pagkaantok o pagkalito
-
Lagnat na100.4°F (38°C) oral o 101.4°F (38.5°C) rectal o mas mataas, o gaya ng ipinapayo ng iyong healthcare provider
Online Medical Reviewer:
Bass, Pat F III, MD, MPH
Online Medical Reviewer:
Fraser, Marianne, MSN, RN
Date Last Reviewed:
6/2/2017
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.