Health Encyclopedia
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Hindi Gumaling-galing na Ubo na may Hindi Tiyak na Sanhi (Bata)

Isa sa pinakakaraniwang sintomas ang ubo ng sakit sa pagkabata. Pinakamadalas na nangyayari ang mga ito bilang bahagi ng karaniwang sipon, trangkaso, o bronchitis. Karahiwang bumubuti ang ganitong uri ng ubo sa loob ng 2 hanggang 3 linggo. Maaaring mula sa ibang dahilan ang ubo na nagpapatuloy nang mas matagal sa 3 hanggang 4 na linggo.

Kung hindi gumaling ang ubo sa loob ng susunod na 2 linggo, maaaring kailangan ng iyong anak ng karagdagang pagsusuri. Mag-follow-up sa tagapangalaga ng kalusugan ayon sa itinagubilin. Batay sa eksaminasyon ngayong araw, ang eksaktong sanhi ng ubo ng iyong anak ay hindi matiyak. Ang mga nasa ibaba ay mga karaniwang sanhi ng patuloy na pag-ubo.

Ulo at katawan ng bata na ipinakikita ang itaas at ibabang respiratory tract at itaas ng digestive system.

Postnasal drip

Ang ubong mas malala sa gabi ay maaaring dahil sa postnasal drip. Ang sobrang sipon sa ilong ay dadaloy mula sa likuran ng ilong patungo sa lalamunan at nagsisimula ng reflex ng ubo. Kung mayroon nang postnasal drip nang mahigit sa 3 linggo, marahil dahil ito sa isang impeksiyon sa sinus o allergy. Kabilang sa mga karaniwang allergen ang alikabok, usok, pollen, mga produktong panlinis, mga pabango sa silid, at mga singaw ng kemikal. Ang mga over the counter na antihistamines/decongestant ay maaaring makatulong para sa mga allergies. Huwag gamitin ang mga ito sa mga batang wala pang 6 na taong gulang maliban kung pinayuhan sila ng tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak. Ang isang impeksiyon sa sinus ay maaaring mangailangan ng gamutan gamit ang antibayotiko. Makipagkita sa iyong doktor kung magpatuloy ang mga sintomas.

Hika

Ang ubo ay maaaring natatanging senyales ng banayad na hika. Maaaring gumawa ang tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak ng mga pagsusuri upang malaman kung hika ang nagdudulot ng ubo. Maaari ding uminom ang iyong anak ng gamot sa hika para subukan.

Bagay na mula sa labas

Maaaring malanghap patungo sa mga baga ang maliliit na bagay na inilalagay sa kanilang bibig ng mga sanggol at maliliit na bata. Maaari itong magdulot ng panandaliang matinding pag-ubo sa simula na nagiging hindi gumaling-galing na ubo. Maaari ding magkaroon ang iyong anak ng banayad na oagsingasing o kakapusan sa hininga. Isa itong malubhang problema. Kung pinaghihinalaan ito, dapat itong suriin ng tagapangalaga ng kalusugan.

Impatso (acid reflux, GERD)

Ang esophagus ay isang tubo na nagkokonekta sa bibig at sikmura. Pinipigil ng isang balbula sa dulong ibaba nito ang pabalik na daloy ng laman ng sikmura (reflux). Kapag hindi gumana nang tama ang balbula, dumadaloy pabalik patungo sa esophagus ang pagkain at asido sa sikmura. Tinatawag din itong GERD (gastroesophageal reflux disease).

Kapag dumaloy ito hanggang sa bibig, mukha itong pagdura. Hindi ito pagsuka. Nangyayari ito nang walang anumang senyales ng pagduduwal. Karaniwang nangyayari pagkatapos kumain ang mga senyales ng reflux sa mga sanggol. Kabilang sa mga senyales na ito ang pagdura, pagsuka, mabagal na pagtaas ng timbang, mabilis o hirap huminga, at hindi karaniwang pagiging maselan o iritable. Sa mas matatandang mga bata, maaaring kabilang sa mga senyales ng reflux ang pagdighay, pagsuka, impatso, masakit na sikmura, lasang asido o mapait sa bibig, at masakit na paglunok. Magpatingin sa tagapangalaga ng kalusugan para sa karagdagang pagsusuri kung may mga sintomas na ito ang iyong anak.

Pagsusuka

Maaaring magdulot ng pagbuga at pagsuka ang pansamantalang matinding pag-ubo sa panahon o pagkatapos ng pag-ubo. Kapag sipon ang sanhi ng ubo, maaaring malunok ng iyong anak ang maraming uhog. Maaari itong magdulot ng pagduduwal at pagsusuka. Kung mangyayari ang paulit-ulit na pagsusuka, makipag-ugnayan sa tagapangalaga ng kalusugan.

Kinagawiang pag-ubo

Maaaring umubo o linisin ng ilang bata ang kanilang lalamunan bilang bahagi ng isang problema sa kanilang nervous system o dahil sa isang problema sa kalusugan ng pag-iisip. Tinatawag itong kinagawiang pag-ubo o pagsilakbo ng ubo. Walang malinaw na pisikal na dahilan ang uring ito ng ubo. Karaniwan itong humihinto kapag tulog ang isang bata. Maaaring kailangan ng mas maraming pagsusuri ng iyong anak upang malaman kung ito ang dahilan kung bakit umuubo ang iyong anak. Karaniwang ginagawa ang pagsusuring ito ng isang saykayatriko o isang neurologist matapos alisin ang posibilidad ng ibang sanhi ng hindi gumaling-galing na ubo.

Pangalawang usok ng sigarilyo

Maaaring magkaroon ng hindi gumaling-galing na ubo ang mga maliliit na batang lantad sa usok ng tabako sa kanilang bahay, pati na rin ang sinumang may mga ganitong sintomas:

  • Baradong ilong, pamamaga ng lalamunan, o pamamaos

  • Iritasyon sa mata, sakit ng ulo, o pagkahilo

  • Pagiging maselan, pagkawala ng gana, o kawalan ng lakas

May mas mataas na panganib pra sa mga kondisyong ito ang mga sanggol o batang wala pang 2 taong gulang na lantad sa usok ng sigarilyo:

  • Impeksiyon sa tainga at sinus at mga problema sa pandinig

  • Sipon, bronchitis, at pulmonya

  • Croup, trangkaso, bronchiolitis, at hika

Sa mga batang mayroon nang hika, itinataas ng pangalawang usok ng sigarilyo ang bilang at kalubhaan ng mga pag-atake ng hika. Malubhang panganib sa kalusugan ng iyong anak ang pangalawang usok ng sigarilyo. Dapat mong gawin ang makakaya mo upang maiwasan ang pagkalantad.

Follow-up na pangangalaga

Mag-follow up sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak, o ayon sa ipinayo, kung hindi gumagaling ang ubo ng iyong anak. Maaaring kailanganin ng iyong anak ng karagdagang pagsusuri.

Tandaan: Kung isinagawa ang x-ray, susuriin ito ng isang espesiyalista. Sasabihan ka kung may anumang bagong natagpuan na maaaring makaapekto sa pangangalaga sa iyong anak.

Kailan hihingi ng medikal na payo

Para sa karaniwang malusog na bata, tumawag kaagad sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak kung alinman sa mga ito ang mangyari:

  • Lagnat (tingnan ang Lagnat at mga bata, sa ibaba)

  • Mahalak na tunog kapag lumalanghap pagkatapos ng mahabang pag-ubo

  • Pag-ubo na may matingkad na kulay ng plema (mucus)

  • Maingay na paghinga

Tumawag sa 911

Tumawag sa 911 kung mangyari ang alinman sa mga ito:

  • Pag-ubo ng dugo

  • Paghingasing o hirap na paghinga

  • Nagkukulay asul, lila o abo ang mga labi o mga kuko

  • Kawalan ng pagtugon o pagkahilo

  • Mabilis na paghinga:

    • Mula pagsilang hanggang 6 na linggo, mahigit sa 60 paghinga kada minuto

    • 6 na linggo hanggang 2 taon, mahigit 45 paghinga/minuto

    • 3 hanggang 6 na taon, mahigit 35 paghinga/minuto

    • 7 hanggang 10 taon, mahigit 30 paghinga/minuto

    • Mas matanda sa 10 taon, mahigit 25 paghinga/minuto

Lagnat at mga bata

Gumamit ng digital na thermometer para suriin ang temperatura ng iyong anak. Huwag gumamit ng mercury thermometer. Mayroong iba't ibang uri at gamit ang mga digital na thermometer. Kabilang sa mga ito ang:

  • Sa puwit. Para sa mga batang wala pang 3 taong gulang, pinakatumpak ang temperatura sa puwit.

  • Noo (temporal). Gumagana ito sa mga batang nasa edad 3 buwan at mas matanda. Kung may mga senyales ng sakit ang batang wala pang 3 buwang gulang, maaari itong magamit bilang unang pass. Maaaring nais kumpirmahin ito ng tagapangalaga gamit ang temperatura sa puwit.

  • Tainga (tympanic). Tumpak ang temperatura sa tainga pagkatapos ng edad na 6 na buwan, ngunit hindi bago ang edad na ito.

  • Kili-kili (axillary). Ito ay hindi gaanong maaasahan ngunit maaaring magamit para sa unang pass upang tingnan ang batang anuman ang edad na may mga palatandaan ng sakit. Maaaring nais kumpirmahin ito ng tagapangalaga gamit ang temperatura sa puwit.

  • Bibig (oral). Huwag gumamit ng thermometer sa bibig ng iyong anak hanggang siya ay hindi bababa sa 4 na taong gulang.

Gamitin ang thermometer sa puwit nang maingat. Sundin ang mga direksyon ng gumagawa ng produkto para sa tamang paggamit. Dahan-dahan itong ipasok. Pangalanan ito at tiyaking hindi ginagamit sa bibig. Maaari din itong magpasa ng mga mikrobyo mula sa dumi. Kung hindi ka OK sa paggamit ng thermometer sa puwit, itanong sa tagapangalaga ng kalusugan kung anong uri ang gagamitin sa halip. Kapag makikipag-usap ka sa sinumang tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa lagnat ng iyong anak, sabihin sa kanya kung anong uri ang ginamit mo.

Nasa ibaba ang mga patnubay upang alamin kung may lagnat ang iyong maliit na anak. Maaari kang bigyan ng tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak ng iba’t ibang numero para sa iyong anak. Sundin ang mga partikular na tagubilin ng iyong tagapangalaga.

Mga sukat ng lagnat para sa sanggol na wala pang 3 buwang gulang:

  • Una, itanong sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak kung paano mo dapat kuhanin ang temperatura.

  • Puwit o noo: 100.4°F (38°C) o mas mataas

  • Kilikili: 99°F (37.2°C) o mas mataas

Mga sukat ng lagnat para sa batang edad 3 buwan hanggang 36 na buwan (3 taon):

  • Puwit, noo, o tainga: 102°F (38.9°C) o mas mataas

  • Kilikili: 101°F (38.3°C) o mas mataas

Tumawag sa tagapangalaga ng kalusugan sa mga kasong ito:

  • Temperatura na paulit-ulit na 104°F (40°C) o mas mataas sa isang bata anuman ang edad

  • Lagnat na 100.4° F (38° C) o mas mataas sa sanggol na mas bata sa 3 buwan

  • Lagnat na tumatagal ng lampas sa 24 na oras sa batang wala pang 2 taong gulang

  • Lagnat na tumatagal ng 3 araw sa batang 2 taong gulang o mas matanda

Online Medical Reviewer: Daphne Pierce-Smith RN MSN
Online Medical Reviewer: Liora C Adler MD
Online Medical Reviewer: Ronald Karlin MD
Date Last Reviewed: 10/1/2021
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer