Health Encyclopedia
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Paninigas ng dumi (Matanda)

Ang paninigas ng dumi ay nangangahulugan na ikaw ay may mas kaunting dalas na pagdumi (karaniwan ay mas kaunti sa 3 pagdumi sa isang linggo) kaysa karaniwan. Ang dumi ng tao ay kadalasang nagiging napakatigas at mahirap ilabas.

Ang paninigas ng dumi ay karaniwan. Sa ilang punto sa buhay, ito ay nakakaapekto sa halos lahat. Dahil magkakaiba ang ugali ng bawat tao, kung ano ang paninigas ng dumi sa 1 tao ay maaaring hindi sa iba. Maaaring gawin ng iyong tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan ang mga pagsusuri upang ma-diagnose ang paninigas ng dumi. Depende ito sa kung ano ang makikita nila kapag sinusuri ka.

Cross section ng colon na ipinakikita ang matigas na dumi sa loob.

Ang mga sintomas ng paninigas ng dumi ay kinabibilangan ng:

  • Sakit sa tiyan

  • Paglaki ng tiyan

  • Pagi-ire sa panahon ng pagdumi

  • Matigas, bukol-bukol na mga dumi

  • Masakit na pagdumi

  • Pangangati, pamamaga, pagdurugo, o pananakit sa paligid ng puwit

  • Isang pakiramdam na hindi mo pa naubos ang laman ng iyong bituka

Mga sanhi

Ang paninigas ng dumi ay maaaring magkaroon ng maraming dahilan. Kabilang dito ang:

  • Diyeta na mababa sa fiber

  • Hindi sapat ang pag-inom ng mga likido

  • Kulang sa ehersisyo o pisikal na aktibidad (lalo na para sa mga matatanda)

  • Mga pagbabago sa pamumuhay o araw-araw na routine, kabilang ang pagbubuntis, pagtanda, trabaho, at paglalakbay

  • Madalas na paggamit o maling paggamit ng laxatives

  • Hindi pinapansin ang pagnanasa na magkaroon ng pagdumi o pag-antala nito hanggang mamaya

  • Mga gamot, tulad ng tiyak na mga inireresetang gamot sa pananakit, pandagdag ng iron, antacid, ilang antidepressant, at mga suplemento ng calcium

  • Masyadong maraming gatas

  • Mga kondisyon o sakit tulad ng irritable bowel syndrome, hadlang sa bituka, stroke, diyabetes, sakit sa thyroid, Parkinson disease, almoranas, at kanser sa colon

Mga komplikasyon

Mga posibleng komplikasyon na maaaring kabilang sa constipation ang:

  • Almoranas

  • Pagdugo ng puwit mula sa almuranas o anal fissures (mga punit sa balat sa paligid ng puwit)

  • Hernias

  • Malalang paninigas ng dumi

  • Fecal impaction, isang malubhang anyo ng paninigas ng dumi kung saan ang isang malaking dami ng matigas na dumi ay nasa iyong tumbong na hindi makalabas

  • Pagbara ng bituka o pagbubutas

  • Rectal prolapse (isang bahagi ng tumbong ang dumulas sa bungad ng puwit)

Pangangalaga sa bahay

Ang lahat ng paggamot ay dapat gawin pagkatapos ang pakikipag-usap sa iyong tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan. Ito ay totoo lalo na kung mayroon kang ibang problemang medikal, umiinom ng mga inireresetang gamot, o mas matanda na. Ang paggamot ay kadalasang nagsasangkot ng mga pagbabago sa pamumuhay. Maaaring kailangan mo rin ng mga gamot. Ang iyong tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan ay sasabihin sa iyo kung alin ang pinakamahusay para sa iyo. Sundin ang payo sa ibaba para makatulong maiwasan ang problemang ito sa hinaharap.

Mga pagbabago sa pamumuhay

Ang mga pagbabago sa pamumuhay na ito ay maaaring makatulong na maiwasan ang paninigas ng dumi:

  • Diyeta. Kumain ng mataas sa fiber na diyeta, na may sariwang prutas at gulay, at bawasan ang pag-inom ng dairy, karne, at mga naprosesong mga pagkain

  • Mga likido. Mahalagang makakuha ng sapat na likido bawat araw. Uminom ng maraming tubig kapag kumain ka ng mas maraming fiber. Kung ikaw ay nasa isang diyeta na naglilimita sa dami ng likido na maaari mong makuha, pag-usapan ito sa iyong tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan.

  • Regular na page-ehersisyo. Magtanong muna sa iyong tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan.

Mga gamot

Uminom ng anumang gamot ayon sa itinuro. Ang ilang mga laxative ay ligtas na gamitin lamang ngayon at pagkatapos. Ang iba ay maaaring inumin nang regular. Habang ang mga laxative ay hindi nagiging sanhi ng pagdepende sa bituka, ginagamot nila ang mga sintomas. Kaya ang iyong paninigas ng dumi ay maaaring bumalik kung hindi ka gagawa ng iba pang mga pagbabago. Makipag-usap sa iyong tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan o parmasyutiko kung mayroon kang mga katanungan.

Ang mga inireresetang gamot sa pananakit ay maaaring magdulot ng paninigas ng dumi. Kung umiinom ka ng ganitong uri ng gamot, tanungin ang iyong tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan kung dapat ka ring uminom ng pampalambot ng dumi.

Ang mga gamot na maaari mong inumin upang gamutin ang paninigas ng dumi ay kinabibilangan ng:

  • Mga pandagdag ng fiber

  • Mga pampalambot ng dumi

  • Mga laxatives

  • Mga enemas

  • Mga rectal suppositories

Follow-up na pangangalaga

Mag-follow up sa iyong tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan kung hindi bumuti ang iyong mga sintomas sa mga sumusunod na araw. Maaaring kailanganin mong magkaroon ng higit pang mga pagsusuri o magpatingin sa isang espesyalista.

Tumawag sa 911

Tumawag sa 911 kung ang alinman sa mga ito ay nangyari:

  • Problema sa paghinga

  • Paninigas, matigas na tiyan na napakasakit kapag hahawakan

  • Maraming dugo sa dumi

  • Pagkalito

  • Pagkahimatay o nawalan ng malay

  • Mabilis na tibok ng puso

  • Pananakit ng dibdib

Kailan kukuha ng medikal na payo

Tawagan kaagad ang iyong tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan kung nangyari ang alinman sa mga ito:

  • May lagnat na 100.4°F (38°C) o mas mataas, o ayon sa direksyon ng iyong tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan

  • Pagkabigong ipagpatuloy ang normal na pagdumi

  • Lumalala ang pananakit ng iyong tiyan o likod

  • Pagduduwal o pagsusuka

  • Pamamaga sa iyong tiyan

  • Maliit na dami ng dugo sa dumi

  • Itim, tarry na dumi

  • Pagbaba ng timbang nang hindi sinusubukan

  • Kahinaan

Online Medical Reviewer: Heather M Trevino BSN RNC
Online Medical Reviewer: Melinda Murray Ratini DO
Online Medical Reviewer: Shaziya Allarakha MD
Date Last Reviewed: 1/1/2025
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer