Health Encyclopedia
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Malalim na Pag-ubo

Tumutulong ang malalim na pag-ubo upang panatilihing maluwag ang iyong mga baga. Kung naoperahan ka, makatutulong ito sa iyo na gumaling nang mas mabilis. Makatutulong din sa iyo ang malalim na pag-ubo na makahinga nang mas madali at maaaring maiwasan ang impeksiyon ng baga o iba pang komplikasyon. Sundin ang mga hakbang na ito upang gawin ang malalim na pag-ubo.

Lalaking may hawak na unan sa dibdib, na umuubo.

Hakbang 1

  • Umupo sa gilid ng kama o upuan. Maaari ka ring humiga nang nakatihaya na bahagyang nakatiklop abg iyong mga tuhod.

  • Dumukwang nang bahagya.

  • Kung naoperahan ka sa iyong dibdib o sikmura, humawak ng isang unan o nakarolyong tuwalya nang mahigpit laban sa iyong sugat (hiwa) gamit ang parehong kamay. Yakapin ang unan.

  • Huminga nang normal.

Hakbang 2

  • Lumanghap ng hangin nang mabagal at malalim gamit ang iyong ilong.

  • At huminga palabas sa iyong bibig. Ulitin ang ganitong paghinga papasok at palabas sa ikalawang beses.

  • Para sa ikatlong beses, huminga nang mabagal at malalim gamit ang iyong ilong. Punuin ng hangin ang iyong mga baga hangga't kaya mo.

Hakbang 3

  • Umubo ng 2 o 3 beses na magkasunod. Subukang itulak ang lahat ng hangin palabas ng iyong mga baga habang umuubo ka. Takpan ang iyong ubo, kung maaari, gamit ang tisyu o iyong siko.

  • Kung umubo ka ng may plema, idura ito sa tisyu. Huwag itong lunukin.

  • Magrelaks at huminga nang normal.

  • Ulitin ang mga nabanggit na hakbang ayon sa itinagubilin.

  • Hugasan ang iyong mga kamay gamit ang sabon at malinis na dumadaloy na tubig sa loob ng 20 segundo pagkatapos.

Follow-up na pangangalaga

Mag-follow up sa iyong tagapangalaga ng kalusugan, o ayon sa ipinayo.

Kailan dapat tumawag sa iyong tagapangalaga ng kalusugan

Tumawag agad sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung mayroon ka ng alinman sa mga sumusunod:

  • Lagnat na 100.4°F (38°C) o mas mataas, o ayon sa ipinayo ng iyong tagapangalaga

  • Mga palatandaan ng impeksiyon, kung naoperahan ka. Kabilang sa mga ito ang pamumula, pamamaga, pagtagas, o pag-init sa bahagi ng iyong hiwa, o nanan o likido na tumatagas mula sa bahagi

  • Kaunting pagdurugo mula sa bahagi na inopera

  • Kulay kayumanggi, puti, or madugong plema

  • Pagkahilo o pagsusuka

  • Maraming pananakit

  • Mabilis o hindi regular na tibok ng puso

  • Bagong ubo

Tumawag sa 911

Maaaring palatandaan ang kakapusan ng hininga ng isang malubhang problema sa kalusugan. Tumawag kaagad sa 911 kung mayroon kang kakapusan ng hininga na lumalala o nahihirapan kang huminga, lalo na kapag may alinmang sintomas na nasa ibaba:

  • Pagkatuliro o nahihirapang manatiling gising

  • Pagkawala ng malay o nahihimatay

  • Pananakit o paninikip ng dibdib

  • Hirap huminga o may sipol na paghinga

  • Nagiging kulay asul ang balat, mga labi, o mga kuko

  • Pag-ubo ng dugo

  • Matinding pananakit

  • Pagkahilo o panghihina

  • Matinding pagdurugo o bagong pagbuka sa bahagi na inopera

Online Medical Reviewer: Deborah Pedersen MD
Online Medical Reviewer: Jessica Gotwals BSN MPH
Online Medical Reviewer: Marianne Fraser MSN RN
Date Last Reviewed: 6/1/2022
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer