Health Encyclopedia
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Paggamit ng mga Bronchodilator

Ang mga bronchilator ay mga gamot na tumutulong sa pagbukas ng mga daanan ng hangin (bronchi) sa iyong mga baga. Hinahayaan nitong dumaloy ang mas maraming hangin sa mga daluyan. Gumagana ang mga gamot na ito sa pamamagitan ng pagrerelaks sa makinis na mga kalamnan na nakahanay sa mga daanan ng hangin. Pinalalawak nito ang mga daanan ng hangin. Hinahayaan nito ang hangin na umalis sa mga baga. Ginagamit ang mga gamot na ito upang mapagaan ang mga problema sa paghinga na sanhi ng hika, emphysema, pangmatagalang bronchitis, at iba pang sakit sa baga.

May dalawang pangunahing uri ng mga bronchodilator:

  • Mabilis ang bisa na mga bronchodilator. Mabilis na pinagagaan ng mga ito ang mga sintomas.

  • Matagal ang bisa na mga bronchodilator. Kinokontrol ng mga ito ang mga sintomas sa paglipas ng panahon. Hindi dapat gamitin ang mga ito para sa mabilisang ginhawa.

Dahil iba ang paggamit sa mga gamot na ito, tiyakin na alam mo kung mabilis o matagal ang bisa na bronchodilator ang iyong gamot. Maaaring ireseta ng iyong tagapangalaga ang isa o parehong uri.

 Alamin ang iyong gamot

Niresetahan ka ng iyong tagapangalaga ng kalusugan ng bronchodilator. Ang pangalan ng iyong bronchodilator ay ____________________________________________.

Mga tagubilin sa paggamit

Sundin ang mga tagubiling ito para sa paggamit ng bronchodilator:

  • Sundin ang fact sheet na kasama ng iyong gamot. Sinasabi nito sa iyo kung kailan at paano iinumin ang iyong gamot. Humiling ng sheet kung hindi ka nakakuha nito.

  • Inumin ang iyong gamot nang eksakto ayon sa itinagubilin. Magtanong sa iyong team ng tagapangalaga ng kalusugan kung mayroon kang anumang tanong tungkol sa paggamit ng iyong gamot.

  • Sabihin sa iyong tagapangalaga ng kalusugan ang tungkol sa anumang gamot na iniinom mo. Kasama rito ang mga nabibili nang walang reseta o mga halamang gamot.

  • Huwag uminom ng mas mataas na dosis ng gamot na ito kaysa inireseta. Maaaring humantong ito sa malubhang masasamang epekto at maging ng kamatayan.

  • Makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung kailangan mong gamitin ang iyong gamot na mabilis ang bisa nang madalas. Maaaring ang labis na paggamit ng gamot ay mangahulugan na hindi nakokontrol nang maayos ang iyong kondisyon. Tutulong ang iyong tagapangalaga ng kalusugan na humanap ng gamot na tama para sa iyo.

Higit pang mga payo

  • Ihinto ang paninigarilyo. Sumali sa isang programa ng paghinto sa paninigarilyo para matulungan kang huminto.

  • Huwag payagan ang sinuman na manigarilyo sa iyong bahay o sa paligid mo.

  • Pag-aralan kung paano gamitin ang isang peak flow meter. Makatutulong sa iyo ang device na ito na suriin kung gaano nakokontrol ang iyong kondisyon. Makatutulong ito sa iyo na malaman kung kailangan mo ng medikal na pangangalaga. Makipag-usap sa iyong tagapangalaga tungkol sa pagkuha ng peak flow meter kung wala ka pa nito.

  • Ibaba ang humidity sa loob ng bahay sa mas mababa sa 50%. Makatutulong sa iyo ang mga dehumidifier o air conditioner na gawin ito.

  • Kumuha ng mga inirerekomendang bakuna. Kabilang sa mga ito ang para sa trangkaso, pulmonya, at COVID-19.

  • Takpan ang iyong ilong at bibig gamit ang isang panyo sa mga araw na malamig o mahangin.

Mga posibleng masasamang epekto

Sabihin sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung mayroon ka ng alinman sa masasamang epekto na ito. Huwag ihinto ang pag-inom ng gamot hangga't sabihin sa iyo ng iyong tagapangala ng kalusugan na huminto. Ang mga banayad na masasamang epekto ay:

  • Pagkabalisa o pagiging nerbiyoso

  • Hirap sa pagtulog

  • Pagduduwal

  • Pananakit ng ulo

  • Pangangatal

  • Mas mabilis na tibok ng puso

Kailan dapat tumawag sa iyong tagapangalaga ng kalusugan

Tumawag kaagad sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung mayroon ka ng alinman sa mga ito:

  • Hirap sa paghinga

  • Pakiramdam na mabilis ang tibok ng iyong puso (mga palpitasyon)

  • Pag-ubo

  • Pagkahilo o pagkalula

  • Pagkaantok

  • Pamamawis

  • Pagtatae

  • Pagsusuka

  • Panghihina

  • Lagnat na 100.4°F (38.0°C) o mas mataas, o ayon sa itinagubilin ng iyong tagapangalaga ng kalusugan

Online Medical Reviewer: Berry, Judith, PhD, APRN
Online Medical Reviewer: Blaivas, Allen J., DO
Date Last Reviewed: 5/1/2016
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer