Health Encyclopedia
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Pagkatapos ng Operasyon sa Likod: Mga Payo para sa Pang-araw-araw na Pamumuhay

Makatutulong ang mga payong ito na mas mapadali ang ilang gawain at tutulong na maprotektahan ang iyong likod.

Pagbibihis

Maaaring maging mas madali ang pagsusuot at paghuhubad ng mga medyas, pantalon, at damit na panloob nang nakahiga ka. Maaaring makatulong ang isang kagamitan na tinatawag na dressing reacher. Para mas madali ang pagbibihis at paghuhubad ng damit, magsuot ng maluluwag na damit at sapatos na slip-on na may saradong likod. Maaari mong gustuhin na tulungan ka ng isang tao na magsuot at maghubad ng damit.

Paghahanda sa paghiga

Bago ka humiga, siguraduhing naaabot mo ang mga bagay na kailangan mo. Tipunin ang mga bagay gaya ng mga gamot, salamin sa mata, babasahin, at iba pang bagay na gusto mo. Siguraduhing ilagay ang mga ito para hindi mo na ipihit ang iyong likod para abutin ang mga ito. Kung hindi mo pa kayang tipunin ang mga bagay nang mag-isa, hilingin sa isang miyembro ng pamilya o kaibigan na tumulong.

Paghuhugas sa lababo

Habang nakatayo sa lababo, ibaluktot ang iyong mga tuhod at balakang. Panatilihin sa neutral na posisyon ang iyong likod.

Pagsa-shower

Gumamit ng hinahawakan na shower para hugasan ang iyong buhok. O lumuhod sa tuhod at balakang sa ilalim ng ulo ng shower para hindi mo iniaarko ang iyong likod. Upang maiwasan ang pagbaluktot, gumamit ng panghilod na mahaba ang hawakan. Gumamit ng likidong sabon para hindi mo kailangang pulutin ang nalaglaga na baretang sabon.

Pagkain

Idausdos ang iyong upuan nang malayo sa ilalim ng mesa hangga't maaari. Huwag dumukwang o ilagay ang iyong mga siko sa mesa.

Paggamit ng banyo

Subukang gumamit ng toilet seat riser o portable commode. Para makapunta doon, at saanman, gumamit ng walker para mabawasan ang panganib ng pagtumba. Maaari kang bumili ng mga ito sa isang botika o tindahan ng medikal na supply. Ibabalik ng ilang plano ng insurance sa kalusugan ang mga gastusing ito kung ini-order ang mga ito ng iyong tagapangalaga ng kalusugan.

Online Medical Reviewer: Anne Fetterman RN BSN
Online Medical Reviewer: Luc Jasmin MD
Online Medical Reviewer: Raymond Kent Turley BSN MSN RN
Date Last Reviewed: 12/1/2021
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer