Health Encyclopedia
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Ano ang TIA?

Ang TIA (transient ischemic attack) ay isang pansamantalang pagbara ng daloy ng dugo patungo sa utak at isang maagang babala na maaaring may magyararing stroke. Ang TIA ay tinatawag kung minsan na mini stroke at kadalasang hindi nagdudulot ng pangmatagalang pinsala. Ngunit ang mga epekto ng stroke, kung mangyari ito, ay maaaring maging napakalubha at pangmatagalan. Kung sa palagay mo ay mayroon ka ng mga sintomas ng TIA o stroke tumawag kaagad sa 911 para humingi kaagad ng medikal na tulong.

Nakikipag-usap sa telepono ang isang babae.

Mga sintomas ng TIA at stroke

Maaaring dumating nang bigla ang mga sintomas at magtagal nang ilang segundo o ilang oras. Maaari kang magkaroon ng mga sintomas nang minsan lang. O maaaring ang mga ito ay magpabalik-balik ng ilang araw. Kung mapansin mo ang alinman sa mga sumusunod na sintomas, huwag maghintay. Tumawag sa 911 o sa mga serbisyong pang-emergency kaagad.

  • Panghihina, pamamanhid, pamimitig, o pagkawala ng pakiramdam sa iyong mukha, braso, o binti

  • Nahihirapang makakita ang isa o dalawang mata; pagkaduling

  • Bulol na pagsasalita, hirap sa pagsasalita, o mga problemang maunawaan ang iba kapag sila ay nagsasalita

  • Biglaan, malalang pananakit ng ulo

  • Pagkahilo o pakiramdam na pag-ikot

  • Pagkawala ng balanse o pagkatumba

  • Mga pagkawala ng malay

B.E. F.A.S.T. ay isang madaling paraan para matandaan ang mga palatandaan ng stroke. Kapag nakita mo ang mga palatandaan, malalaman mo kung ano ang kailangan mo upang tumawag sa 911 nang mabilis. 

Ang ibig sabihing ng B.E. F.A.S.T. ay: 

  • B ay para sa balanse. Biglang pagkawala ng balanse o koordinasyon.

  • E ay para sa mga mata. Mga pagbabago sa paningin ng isa o ng dalawang mata.

  • F ay para sa lumalaylay ang mukha. Lumalaylay o namamanhid ang isang bahagi ng mukha. Kapag ngumiti ang isang tao, hindi pantay ang ngiti.

  • ay para sa panghihina ng braso. Mahina o namamanhid ang isang kamay. Kapag sabay na itataas ng isang tao ang parehong braso, naiiwan ang isa niyang braso.

  • ay para sa nahihirapang magsalita. Mapapansin mong nabubulol ang pagsasalita o nahihirapang magsalita. Hindi niya kayang ulitin nang tama ang isang simpleng pangungusap kapag hiniling sa kanya na gawin iyon.

  • ay para sa oras na para tumawag sa 911 . Kung magpapakita ang isang tao ng mga sintomas na ito, kahit na nawala ang mga ito, tumawag sa 911 kaagad. Itala ang oras kung kailan unang nakita ang mga sintomas.

© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer