Malalang Bronchitis
Sinabi sa iyo ng iyong tagapangalaga ng kalusugan na may malala kang bronchitis. Ang bronchitis ay isang impeksiyon o pamamaga ng daanan ng hangin sa mga baga (mga bronchial tube). Karaniwan na, madaling nakakadaan ang hangin papasok at palabas sa mga daanan ng hangin sa baga. Pinapakitid ng bronchitis ang mga daanan ng hangin. Ginagawa nitong mahirap makadaan ang hangin papasok at palabas sa mga baga. Lumilikha ito ng mga sintomas na tulad ng pangangapos ng hininga, pag-ubo ng madilaw o maberdeng uhog, at paghingang may huni.
Ang bronchitis ay puwedeng maging malala (acute) o pabalik-balik (chronic). Ang ibig sabihin ng acute, nangyayari ito nang mabilis at madali din itong nawawala. Ang ibig sabihin ng chronic ay isang kundisyon na nagtatagal ng mahabang panahon at kadalasang bumabalik. Karamihan ng mga taong may acute bronchitis ay bumubuti pagkaraan ng 1 hanggang 2 linggo.

Ano ang nagiging sanhi ng bronchitis?
Kadalasang sanhi ng virus ang acute bronchitis, tulad ng sipon at trangkaso. Sa mga bihirang kaso, maaaring sanhi ito ng bakterya. May ilang partikular na salik na mas malamang ang sipon at trangkaso ay maging bronchitis. Kabilang sa mga ito ang pagiging napakabata, pagiging maedad, pagkakaroon ng problema sa puso at baga, o may mahinang immune system. Mas malamang na makapagdulot din ng bronchitis ang paninigarilyo.
Kapag nabubuo ang bronchitis, namamaga ang mga daanan ng hangin. Puwede ding maimpeksyon ng bakterya ang mga daanan ng hangin. Kilala ito bilang pangalawahing impeksyon.
Mga sintomas ng acute bronchitis
Maaaring kabilang sa mga sintomas ang:
Pag-diagnose ng acute bronchitis
Tatanungin ka ng iyong tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa mga sintomas mo at kasaysayan ng kalusugan. Susuriin niya ang iyong katawan. Kasama dito ang pakikinig sa iyong mga baga habang humihinga ka. Maaaring kailangan mo rin ng X-ray sa dibdib para makita kung may impeksyon sa baga (pulmonya) kung nagkaroon ka ng lagnat. Marahil kailangan ding suriin ang iyong dugo o pag-swab ng ilong o lalamunan para makita kung may impeksiyon.
Paglunas sa acute bronchitis
Kadalasang nawawala ang bronchitis pagkalipas ng 1 hanggang 2 linggo kahit walang gamutan. Makakatulong kang bumuti ang iyong pakiramdam sa pamamagitan ng:
-
Pag-inom ng gamot ayon sa itinagubilin. Makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan bago uminom ng mga gamot na nabibili nang walang reseta (OTC). Ang ilang gamot na (OTC) ay nakakatulong na maibsan ang pamamaga sa iyong mga bronchial tube. Mapapalabnaw din ng mga ito ang uhog. Pinadadali nito ang pag-ubo. Posibleng magreseta ang iyong tagapangalaga ng kalusugan ng inhaler para makatulong na mabuksan ang mga bronchial tube. Inumin ang anumang iniresetang antibayotiko nang eksakto ayon sa itinagubilin. Kadalasan, ang acute bronchitis ay sanhi ng impeksyon ng virus. Karaniwan nang hindi nagrereseta ng antibayotiko para sa mga impeksyon sa virus.
-
Itanong sa iyong tagapangalaga kung gaano karami ang dapat mong inumin. Ang pag-inom ng maraming likido, tulad ng tubig, juice, o mainit na sabaw ay maaaring mapanipis ang uhog para maaari mo itong maiubo at makahinga nang mas maluwag. Napipigilan din ng mga likido ang pagkawala ng tubig sa katawan. Gayunman, kung mayroon kang tiyak na medikal na kondisyon, tulad ng malubhang sakit sa bato o mga problema sa puso, maaaring kailangan mong limitahan kung gaano karami ang iinumin mo.
-
Paggamit ng pampahalumigmig (humidifier). Nakakatulong ito na mabawasan ang pag-ubo.
-
Pagkakaroon ng maraming pahinga
-
Hindi pagsigarilyo. Huwag ding payagan ang iba na manigarilyo sa inyong tahanan. Sa pampublikong mga lugar, lumayo sa usok ng sigarilyo ng iba.
Pagbawi ng lakas at pag-follow-up
Mag-follow-up sa iyong tagapangalaga ng kalusugan. Malamang na bumuti ang pakiramdam mo pagkaraan ng 1 hanggang 2 linggo. Pero malamang na magkaroon ka ng tuyong pag-ubo nang mas mahaba-habang panahon. Ipaalam sa iyong tagapangalaga kung may mga sintomas ka pa rin maliban sa tuyong pag-ubo pagkalipas ng 2 linggo. Sabihin sa kanya kapag madalas kang may impeksiyon sa bronchial.
Mga tip sa pangangalaga sa sarili
Para maibsan ang iyong mga sintomas at maiwasan ang bronchitis:
-
Ihinto ang paninigarilyo. Ang paghinto sa paninigarilyo ang pinakamahalagang hakbang na puwede mong gawin para malunasan ang bronchitis. Kung kailangan mo ng tulong sa paghinto sa paninigarilyo, makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan.
-
Manatiling malayo sa usok ng sigarilyo at sa iba pang mga bagay na nakakapagpalala. Sikaping manatiling malayo sa usok, mga kemikal, singaw, at alikabok. Huwag hayaan ang iba na manigarilyo sa inyong tahanan. Manatili sa loob ng tahanan sa mga araw na mausok dahil sa polusyon.
-
Iwasan ang mga impeksiyon sa baga. Itanong sa iyong tagapangalaga ng kalusugan ang tungkol sa mga bakuna, gaya ng para sa trangkaso at pulmonya. Gumawa ng mga pagsisikap para makaiwas sa sipon at iba pang impeksiyon sa baga. Lumayo sa maraming tao sa mga panahong uso ang sipon at trangkaso. Lumayo mula sa mga taong maysakit.
-
Hugasang mabuti ang iyong mga kamay. Madalas na hugasan ang iyong mga kamay gamit ang sabon at tubig nang hindi bababa sa 20 segundo. Gumamit ng alcohol-based na hand sanitizer na may hindi bababa sa 60% alkohol kapag hindi ka makapaghugas ng iyong mga kamay.
Kailan dapat tumawag sa iyong tagapangalaga ng kalusugan
Tawagan ang tagapangalaga ng kalusugan kapag mayroon ka ng mga ito:
-
Lagnat na 100.4°F ( 38.0° (C o mas mataas, o ayon sa itinagubilin ng iyong tagapangalaga ng kalusugan
-
Mga sintomas na lumalala, o mga bagong sintomas
-
Mga sintomas na hindi nagsisimulang bumuti sa loob ng 1 linggo
Tumawag sa 911
Tumawag sa 911 kung mayroon kang:
-
Hirap na paghinga na hindi gumagaling sa paggamot
-
Balat, mga labi o kuko na mukhang asul, kulay abo, o maputla