STD (Lalaki, Adult: GC o Chlamydia)

Prostate, Bayag, Ureter, Pantog, Urethra (namamaga)

Mayroon kang impeksyon sa urethra (ang daanan sa ari ng lalaki na dinadaanan ng ihi). Kadalasan itong sanhi ng isang impeksyong bacterial na alinman sa "Chlamydia" o "Gonorrhea." Ito ay sakit na naipapasa sa pakikipagtalik (sexually transmitted disease (STD)). Labis na nakakahawa ito at naipapasa ito sa pamamagitan ng pakikipagtalik sa isang may impeksyong kapareha.

Magsisimula ang mga sintomas sa loob ng 1-3 linggo pagkaraang malantad. Karaniwang may lumalabas mula sa ari ng lalaki at hapdi kapag umiihi. Karamihan ng mga babae na may ganitong impeksyon ay magkakaroon lamang ng mga banayad na sintomas o walang sintomas sa kaagahan ng sakit.

Maaari ding isagawa ang isang culture test upang makumpirma ang diagnosis. Maaaring simulan ang mga antibiotic bago maibalik ang culture test.

PANGANGALAGA SA BAHAY:

  1. Kinakailangang magamot ang iyong kaparehang sekswal kahit pa walang mga sintomas. Dapat na makipag-ugnay ang iyong kapareha sa kanilang sariling doktor o magtungo sa isang urgent care clinic o sa Public Health Department upang masuri at magamot.

  2. Iwasan ang mga sekswal na aktibidad hanggang sa makumpleto mo at ng iyong kapareha ang lahat ng gamot na antibyotiko, at sinabihan ka ng iyong doktor na hindi ka na nakakahawa.

  3. Gamitin ang lahat ng antibyotiko na gamot gaya ng ipinapayo hanggang sa maubos ito. Kung hindi, maaaring bumalik ang mga sintomas.

  4. Matuto tungkol sa ligtas na pakikipagtalik ("safe sex") at gamitin ito sa hinaharap. Pinakaligtas na pakikipagtalik ang sa isang kapareha na nasuring negatibo at nakipagtalik lamang sa iyo. Proteksyon ang mga condom sa pagkalat ng ilang sakit na nakukuha sa pakikipagtalik kabilang ang Gonorrhea, Chlamydia at HIV, ngunit hindi ito nagagarantiyahan.

MAG-FOLLOW UP sa iyong doktor o gaya ng ipinapayo ng aming staff. Kung isinagawa ang isang culture test, maaari mo kaming tawagan sa ikatlong araw para sa mga resulta, o gaya ng ipinag-uutos. Dapat na isagawa ang panibagong culture test sa 4-6 linggo pagkaraan ng paggamot upang makasiguro na nawala na ang impeksyon. Mag-follow up sa iyong doktor o sa Public Health Department para sa kumpletong screening ng STD, kabilang ang pagsuri sa HIV. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa STD, makipag-ugnayan sa STD Hotline: 1-800-232-4636.

MAKAKUHA NG MABILIS NA ATENSYONG MEDIKAL kung mangyari ang alinman sa sumusunod:

  • Walang pagbuti pagkaraan ng tatlong araw ng gamutan

  • Kawalang kakayahang umihi dahil sa pananakit

  • Pamamantal o pananakit ng kasu-kasuan

  • Masakit na mga sugat sa ari ng lalaki

  • Lumaki at nananakit na kulani (lumps) sa singit

  • Pananakit ng o pamamaga ng bayag

Online Medical Reviewer: Benjamin, Valerie, MSN, APRN
Online Medical Reviewer: Stempler, Dennis, MD
Date Last Reviewed: 10/1/2016
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.