Impeksyon Sa Bato (Adult, Babae)

Tinatawag din na "pyelonephritis" ang isang impeksyon sa bato. Karaniwan itong nagsisimula bilang isang impeksyon sa pantog ("cystitis") na kumakalat sa mga bato. Mas seryoso ang pyelonephritis kaysa sa impeksyon sa pantog. Pwede itong magsanhi ng malalang karamdaman kung hindi magamot ng maayos.
Kabilang sa mga karaniwang sintomas ang pananakit sa likod, tagiliran o puson. Maaaring kabilang sa mga sintomas ang lagnat, panginginig, pagkaduwal, pagsusuka, isang udyok upang umihi at hapding nararamdaman kapag umiihi.
PANGANGALAGA SA BAHAY:
-
Manatili sa bahay mula sa trabaho o paaralan. Magpahinga sa kama hanggang sa mawala ang lagnat at bumuti ang iyong pakiramdam.
-
Uminom ng maraming maiinom (hindi bababa sa 6-8 baso sa isang araw, malibang kailangan mong higpitan ang mga maiinom dahil sa ibang mga kadahilanang medikal). Pupwersahin nito ang gamot sa iyong urinary system at papalabasin ang bacteria sa iyong katawan.
-
Iwasan ang pakikipagtalik hanggang sa maubos mo ang lahat ng iyong gamot at nawala ang iyong mga sintomas.
-
Iwasan ang caffeine, alkohol at mga maaanghang na pagkain na maaaring maka-irita sa bato at pantog.
-
Maaari kang gumamit ng acetaminophen (Tylenol) o ibuprofen (Motrin, Advil) upang makontrol ang pananakit, malibang ipinayo ang ibang gamot sa pananakit. [TANDAAN: Kung mayroon kang pangmatagalang sakit sa atay o bato o nagkaroon ng ulcer sa sikmura o pagdurugo ng GI, makipag-usap sa iyong doktor bago gamitin ang mga gamot na ito.]
MAG-FOLLOW UP sa iyong doktor o gaya ng ipinapayo ng aming staff para sa pag-ulit ng pagsusuri ng ihi pagkaraan ng 10 araw. Masisiguro nito na ganap na nawala ang iyong impeksyon.
[TANDAAN: Kung nagpa-X-ray ka o CT scan, susuriin ito ng isang espesyalista. Papaalalahanan ka ng anumang mga bagong matutuklasan na maaaring makaapekto sa iyong pangangalaga.]
MAKAKUHA NG MABILIS NA ATENSYONG MEDIKAL kung mangyari ang alinman sa sumusunod:
-
Lagnat na 100.4°F (38.0°C) pagkaraan ng 48 oras ng paggagamot
-
Hindi bumubuti sa ikatlong araw ng paggagamot
-
Tumitinding pananakit ng likod o tiyan
-
Paulit-ulit na pagsusuka o kawalang kakayahang uminom ng gamot
-
Panghihina, pagkahilo o pagkahimatay
Online Medical Reviewer:
Pierce-Smith, Daphne, RN, MSN, CCRC
Date Last Reviewed:
10/1/2016
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.