Laslas, Mga Tahi, o Staple sa Anit

Ang laslas ay isang hiwa sa balat. Maaaring mangailangan ng mga tahi o staple ang laslas sa anit. Maaari din itong maisara sa gamit ang paraang pag-aayos ng buhok, tulad ng pagtitirintas. Maraming daluyan ng dugo sa anit. Dahil dito, karaniwan ang maraming pagdurugo sa mga hiwa ng anit. Kakailaganin mo ng turok na tetanus kung hindi napapanahon ang iyong bakuna ng tetanus.

Pangangalaga sa tahanan

Tutulungan ka ng mga alituntuning ito na pangalagaan ang iyong laslas sa bahay:

  • Sundin ang mga partikular na tagubilin ng iyong tagapangangalaga ng kalusugan sa paghuhugas ng iyong buhok at anit. Sa unang 2 araw maaari mong maingat na banlawan ang iyong buhok sa shower upang alisin ang dugo at bubog o mga butil ng dumi, o ayon sa ipinayo ng iyong tagapangalaga. Pagkatapos ng 2 araw maaari kang mag-shower at mag-shampoo ng iyong buhok nang normal. Huwag kuskusip ang inayos na bahagi o hayaang dumaloy rito ang tubig nang matagal.

  • Magpatulong sa isang tao na linisin ang iyong sugat sa araw-araw:

    • Sa shower, hugasan ang bahagi sa gamit ang sabon at tubig. Gumamit ng basang bulak para matuklap at tanggalin ang anumang dugo o langib na namuo.

    • Pagkatapos linisin, panatilihing malinis at tuyo ang sugat. Makipag-usap sa iyong tagapangangalaga ng kalusugan tungkol sa paglalagay ng antibiotic ointment sa sugat. Maglagay ng bagong benda.

  • Huwag ilubog sa tubig ang iyong ulo hangga't hindi pa naaalis ang mga tahi o staple. Nangangahulugan ito na bawal ang paglalangoy.

  • Maaaring magreseta ng antibiotic cream o ointment ang iyong tagapangalaga upang maiwasan ang impeksiyon. Huwag ihinto ang pag-inom ng gamot na ito hangga't maubos mo ang iniresetang gamot, o sinabi ng iyong tagapangalaga na ihinto ito.

  • Maaaring magreseta ang iyong tagapangalaga ng mga gamot para sa pananakit. Kung walang iniresetang mga gamot para sa pananakit, maaari kang gumamit ng mga gamot para sa pananakit na nabibili nang walang reseta. Sundin ang mga tagubilin sa pag-inom ng mga gamot na ito. Kung mayroon kang hindi gumagaling na sakit sa atay o bato, makipag-usap sa iyong tagapangalaga bago gamitin ang mga gamot na ito. Makipag-usap din sa iyong tagapangalaga kung nagkaroon ka ng ulser sa sikmura o pagdurugo sa sikmura at bituka.

  • Upang maiwasan ang pagkapilat, maglagay ng sunscreen sa sugat pagkatapos nitong gumaling. Gumamit ng suncreen na may SPF na 30 o mas mataas. Madalas na maglagay ng sunscreen.

Follow-up na pangangalaga

Mag-follow up sa iyong tagapangalaga ng kalusugan ayon sa ipinayo. Tingnan ang sugat araw-araw para sa mga palatandaan ng impeksiyon na nakalista sa ibaba. Kadalasang tinatanggal ang mga tahi o staple mula sa anit sa loob ng halos 7 hanggang 10 araw.

Tumawag sa 911

Tumawag sa 911 kung mangyari ito:

  • Hindi makontrol ang pagdurugo ng direktang presyon

Kailan dapat humingi ng medikal na payo

Tumawag kaagad sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung mangyari ang alinman sa mga sumusunod:

  • Mga palatandaan ng impeksiyon, kabilang ang nadaragdagang pananakit sa sugat, pamumula, pamamaga, o lumalabas na nana mula sa sugat

  • Lagnat na 100.4ºF (38ºC) o mas mataas, o gaya ng ipinayo ng iyong tagapangalaga

  • Panginginig

  • Naghihiwalay o nalalaglag na mga tahi o staple bago ang 7 araw

  • Muling bumubukas ang mga gilid ng sugat

Online Medical Reviewer: Eric Perez MD
Online Medical Reviewer: Raymond Turley Jr PA-C
Online Medical Reviewer: Tara Novick BSN MSN
Date Last Reviewed: 5/1/2022
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.